Alas dose na ng madaling araw ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok. Hindi ako makahinga dahil sa sipon. Barado ang dambuhala kong ilong na mas malaki pa sa ilong ni Allan K at ang dibdib ko'y parang may mga Espanyol na sumasakop.
Naalala ko tuloy ang ex-girlfriend ko. Sa sobrang higpit nya dati ay halos masakal na ako. Ayaw nya na may kausap akong ibang babae. Pinapa-iwas nya rin ako sa mga kabarkada kong mas nauna ko pa ngang nakilala kesa sa kanya. Madalas din sya ang may hawak ng cellphone ko at alam din nya ang password ng facebook ko. Badtrip. Hindi ako makahinga nang mga panahong yaon.
Naalala kong may binili pala akong inhaler. Hinalungkat ko na ang cabinet, ilalim ng higaan kong puro sapot ng gagamba, ilalim ng lababo na puro lumot at kalawang at pati na rin sa toilet bowl pero hindi ko parin nakita ang aking hinahanap. Ano yun? Ang inhaler ko ay parang pagmamahal sakin nung e-girlfriend ko na bigla nalang nawala? Tsk tsk.
Nasira na ang madaling araw ko kaya hinayaan ko nalang na mahirapan akong huminga. Sana'y naman ako na nahihirapan.
Unti-unti na sana akong nakakatulog nang marinig ng tulihing tenga ko ang mga bulong kasabay ng pakiramdam na pagkagat ng isang organismo sa aking binti. Walang hiyang lamok ito. Hinihigop ang dakilang dugo na nananalaytay sa akin.
"Hoy lamok! Kung taba at eyebags nalang sana ang sinisipsip mo ay baka mas marami pang matuwa sa'yo at baka pagawan pa kita ng storage area na mas mas malaki pa sa Mall of Asia at Philippine Arena!" sambit ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsi-sermon sa munting drakula nang may sumigaw mula sa kabilang kwarto, " Oh, magpapa-reserve na ba ako bukas ng kwarto sa mental hospital?"
"Oo. Gusto ko Deluxe o di kaya'y Executive suit para sosyal," sagot ko.
"Sige," sagot nya sabay pahabol na, "Mag-text-text nalang kayo ng lamok para hindi kayo maingay."
"Okiedokie!" Sagot ko at ina-assassinate na ang lamok na sipsip tulad ng sipsip kong katrabaho sa kumpanya.
Nagkabit ako ng kulambo at dahil wala nang istorbo ay agad akong nakatulog ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...