Ngunit hindi lang dahil sa masalimuot kong kapalaran sa larangan ng pag-ibig ang dahilan kung bakit mas bitter pa ako sa ampalaya. Naging saksi kasi ako sa napakaraming relasyon na walang pinatunguhan kundi hiwalayan. Isa na rito ay ang relasyong namagitan sa dalawa kong barkadang sina Mark at Maine.
Isang Lunes sa isang pampublikong paaralan ay may isang lalaking halos kasing bilis na ng kabayo ang pagkaripas sa pagtakbo. Mag-a-alas otso na at halos kalahating oras na syang huli sa first subject nya. Nagkataong unang araw ng pasukan. Pinaghandaan nya pa naman ang isasagot nya kung sakaling tatanungin sya ng guro ng walang kamatayang "Can you tell something about yourself?" kaya't mas pinabilis nya pa ang bawat paghakbang.
Hindi sinasadyang may nasagi syang babae. Dahil sa naganap ay naghulog ang lahat ng mga kwaderno, libro at iba pang mga kagamitan. Wala sana syang balak na tumigil sa pagtakbo dahil inaalala nya ang nauubos nang oras. Halos kalahating kilometro pa ang kailangan nyang lakbayin upang marating ang kwartobg nais nyang marating agad. Kaya lang mas nangibabaw ang konsensya dahil aminado naman syang kasalanan nya kaya't ipinihit nya ang kanyang katawan at muling binalikan ang babaeng nasagi nya. Tinulungan nya itong pulutin ang mga nahulog na gamit.
Mark: Ayos ka lang ba miss?
Maine: Natapon ang mga gamit ko, kumalat sa hallway mga papel ko at nadumihan ang iniingatan kong projects. For short, AYOS LANG AKO.
Mark: Pasensya na talaga. Nag-mamadali kasi ako.
Maine: Ayos lang.
Mark: Pasensya talaga...
Hindi na naipagpatuloy pa ni Mark ang nais nyang sabihin nang masilayan ang mala-anghel na mukha ng dalaga. Mula sa maayos na kilay, mala-batobalani na pares ng mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi na tila kay sarap mahalikan. Tila bumagal ang kilos ng mga tao sa paligid. Hindi na napansin ni Mark na naka-nganga na pala sya.
Maine: Mister. Baka pasukan po ng kalabaw ang bibig mo.
Mark: Ay. Ah. Eh.
Maine: Oh. Uh?
Mark: I'm Mark nga pala. Ikaw? Anong pangalan mo?
Maine: Just call me Maine. Akala ko po ba nagmamadali ka?
Mark: Ay. Oo nga pala. Pasensya na talaga sa pagkakasagi ko sa'yo. Hayaan mo. Babawi ako.
Maine: Ikaw po bahala.
Mark: Bye Maine. See you later!
Nagmamadaling tinakbo nya ang silid-aralan. Nahabol nya pa ang pagpapakilala ng kapwa nya mag-aaral. Ngunit nang tanungin na sya ng pinaghandaan nyang tanong na "Can you tell something about yourself?" ay wala rin syang naisagot dahil walang ibang nasa utak nya nung mga oras na yaon kundi ang magandang mukha ni Maine.
Nang tanghalian ay agad nyang hinanap ang dalaga. Nais sana nya itong i-libre ng pananghalian. Ilang oras din marahil ang tinagal nya sa campus canteen sa pagbabakasakaling makita nya ito dahil nga lunch break ng lahat ng mag-aaral ngunit ni anino ni Maine ay wala man lang nagpakita. Punong puno na ng mga estudyante ang kainan at nag-aagawan na ng mga upuan. Nakakahiya naman siguro kung uupo lang sya dun ng ilang oras ngunit hindi naman kumakain kaya't lumabas nalang sya.Minabuti nyang magpunta nalang sa silid-aklatan upang gumawa ng assignment nang sa gayun ay wala na syang poproblimahin kinabukasan.
Pagbukas nya ng pintuang salamin ay agad nyang ipinakita ang kanyang library card sa librarian. Inilapag nya ang kanyang bag sa pinaka-malapit na lamesa. Matapos siguraduhing nasa ligtas na lugar ang kanyang mga gamit ay tinungo nya ang hilera ng mga libro ng agham at teknolohiya. Nang makuha ang kailangang basahin ay nagtungo na sya sa lamesang pinaglagyan nya ng kanyang mga gamit ngunit napansin nyang may ibang nakaupo dun. Ang mas ikinagulat nya ay ang taong nakaupo dun ay si Maine na mismong hinahanap nya. Agad nyang hinila ang upuan ang nagsalita.
Mark: Ah.. He.hello Maine.
Maine: Sa'yo pala yang bag.
Mark: Oo. Hehe
Maine: Naki-upo na ako. Walang ibang bakanteng upuan eh.
Mark: Ok lang. Mas ayos nga yun eh.
Maine: Anong binabasa mo?
Mark: Libro tungkol sa mga extinct na dinasaur.
Maine: Sa mga dinasaurs daw nanggaling ang mga ibon?
Mark: Oo daw. Paraves yata ang tawag dun.
Maine: Ah. Diba kabilang yan sa grupo ng mga theropod dinosaurs
Mark: Siguro. Nag-exsist daw ang mga Paraves nung late jurassic period.
Maine: Ah.
Mark: Yung sa'yo? Anong binabasa mo?
Maine: Greek Mythology
Mark: Ayos yan ah. Paborito ko yan eh.
Maine: Talaga? Ikaw rin?
Mark: Oo. Ang paborito kong Olympian ay si Apollo.
Maine: Olympian god of prophecy and oracles, music, song and poetry, archery, healing, plague and disease, and the protection of the young.
Mark: Ang galing! Eh sa'yo? Sino paborito mo?
Maine: Athena.
Mark: Greek virgin goddess of reason, intelligent activity, arts and literature.
Maine: Tama.
Mark: May boyfriend ka na?
Maine: Oo.
Mark: Ah. Ok. (Insert pekeng ngiti)
Maya-maya pa'y nagpaalam na and dalaga. Ala-una na pala. Kapag kasama mo talaga ang isang taong gusto mong makasama ay hindi mo namamamalayang mabilis palang umiikot ang mga kamay ng orasan. Nang tuluyan nang mawala sa paningin nya si Maine ay agad nyang nadama ang kalingkutan dahil sa nalaman nyang istado ng pag-ibig ng babaeng hinahangaan nya.
Mark: Ane be yen!?! Sadyaan ba ito? Huhu.

BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...