Ilang buwan ding nagmukhang tanga si Mark. Napag-alaman nya na pagkatapos nyang magtungo sa bahay nila Maine kung saan nya'y ang humarap sa kanya ay ang gurangerz na babaeng mataba na puro "ah... eh... ih... oh... uh..." ang sagot ay lumipat na pala talaga ang dalaga sa ibang bansa. Kaya pala hindi na nya nakikita si Maine.
Gayun pa man ay hindi sumuko ang binata. Naging routine na rin nya ang pagpunta sa bahay nila Sharmaine every 5 o'clock in the afternoon, umulan man o umaraw. Hindi rin sya pumapalya sa pagtawag at pagpapadala ng mga sweet messages pagkagising, tuwing tanghalian at bago matulog. Ngunit kahit isa man lang dun ay walang umobra.
Lagpas ang isang napakabagal na taon ay nagdesisyon si Mark na itigil na ang kahibangan. Kailangan na nyang mag-move on. Naging mahirap ito sa kanya ngunit wala syang magagawa kundi ang gawin ito. Hindi maaaring magpapakatanga nalang sya habang buhay. Sobrang tagal ng proseso upang matanggap niya na wala na ang babaeng minamahal. Buti nalang ay nandyan ang pamilya at mga kaibigang sumuporta at nagpalakas ng loob nya.
Dalawang taon matapos mawala si Maine sa kanyang piling ay nakahanap na ng bagong inspirasyon si Mark. Tulad ni Maine ay maganda rin ito, mabait at natural na babae angt bagong nagpapatibok ng kanyang puso. Sana nga lang ay long-term relationship na at kung sakaling maghiwalay man sana ay hindi malungkot ang katapusan ng kanilang relasyon.
Kamakailan lang ay napag-alaman naman naming may asawa na si Maine sa ibang bansa. Good for her. Tulad ng nais kong mangyari sa kasalukuyang buhay-pagmamahal ni Mark ay sana maging matagumpay din ang relayon ni Maine sa foreyner nyang boypren.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...