Part 35-Ano Ang Pag-Ibig?

59 1 0
                                    


Bukod sa terorismo, krisis sa ekonomiya at droga ay maituturing na isa ang pag-ibig sa mga madalas na pinoproblema ng mga tao. Napatunayan ko na ito dahil naging radio disc jockey ako. Halos gabi-gabi ay napupuno ang inbox ko ng mga love problems mula sa mga listeners. Pakiramdam ko'y ako si Papa Jack o si DJ Chaha sa tuwing nagbibigay ako ng payo sa mga problemang hindi ko naman dapat na problema. Uso yung babaeng iniwan ng lalaki dahil sa ibang baba, mayroon namang mga mahangin na hindi alam ang pipiliin kasi apat-apat ang mga kalaguyo, yung isa naman'y hindi alam ang gagawin kasi may asawa sya pero may nabuntis na iba, may humihingi pa nga ng payo tungkol sa kung anong kulay ba ng brief ang isusuot nya sa tuwing makikipag-date na hindi ko naman nasagot ng maayos dahil hindi bihira ako mag-brief sa tuwing nakikipag-date ako. Whaha.

Ngunit ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig? Bukod sa usaping pangkaunlaran at pangkapayapaan, isa na marahil na problema ng sambayanan ay ang pag-ibig. Tanda ko pa nga ang ilang qoutable qoutes na parang kayamanang minana at ipinapamana sa bawat henerasyon tulad ng "Love makes the world go round", "Love is all that matter","Love will keep us alive" at marami pang mga pangungusap na nagsisimula sa salitang LOVE.

Hindi ito ang PAG-IBIG (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industria at Gobyerno) ng pamahalaan.

Ang tinutukoy kong Pag-ibig ay ang emosyon ng matinding pagka-gusto at maaring pagnanasa na magmahal at mahalin..

Hindi lamang ito basta tungkol sa mga halik, hindi lamang mga yakap at hindi lamang titigan ang dapat pagsaluhan ng dalawang nag-iibigan kundi dapat ay may respetuhan, kasiyahan, at pagkaka-isa ng mga diwa upang maging matagumpay ang bawat relasyon..

Ayon sa ibang religious contexts, love is not just a virtue, but the basis for all being, as in the Roman Catholic phrase, "God is love".

Ang pag-ibig ay itinuturing din pinaka-malawak na paksa ng mga kabataan sa kasalukuyan..

''Love can also refer specifically to the: passionate desire and intimacy of romantic love, to the emotional closeness of familial love, or to the platonic love that defines friendship, to the profound oneness or devotion of religious love,'' mula sa saling wika ng sikat na internetbook na WIKIPEDIA...

Ang apat na letra na L-O-V-E ay may milyon-milyong kahulugan...

Mga kahulugan galing sa mga DIKSYUNARYO, INTERNET, LIBRO, RELIGIOUS TEXTS at Marami pang iba...

Ngunit malalaman mo lang ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa takdang oras na masubukan at maranasan mo kung paano ang magmahal ng tunay at wagas..

Kung maganda man o masama ang daloy ng relasyon, well, walang pakealam ang mga tsismoso at tsismosa na nung pagkapanganak yata'y mas naunang lumabas ang bunganga. Ang mahalaga lang naman sa kanila'y may isyu silang mapag-usapan at para bang ang kwento ng buhay mo ang nagdudulot ng mga terorismo at paghihikahos ng bansa. Tsk tsk.

Kapag nagsagawa ng Operation Anti-Tsismis ang awtoridad siguradong magiging mala-ghost town ang baranggay nyo at magkaka-problema ang mga senador at mga kongresista kung paano masusulosyunan ang kakulangan ng rehas na bakal sa bansa. Nguni't habang wala pang Operation Anti-Tsismis na nagaganap, magtiis ka muna at hayaan mo nalang sila. Hindi ka isinilang sa mundong ibabaw upang makinig sa bulong-bulungan nilang rinig naman kahit ng bingi.

Pinapangarap ng bawat nilalang na makamtan ang "Happily ever after" sa bawat relasyon. May mga nakapagpatunay na maaaring makuha mo ito ngunit mas madalas ay napapapunta nalang tayo sa pinaka-malapit na lugar na may videoke, pipindot, ipapasok ang baryang limang piso, hahawakan ang mikropono at buong lakas na aawitin ang "Where Do Broken Heart Goes" ni Whitney Houston.

Sila yung may temang "Nagmahal... Nasaktan at.... Pumayat", "Nagmahal... Nasaktan at.... Gumanda.", "Nagmahal... Nasaktan at.... Sumikat." At sobrang dami pang "Nagmahal... Nasaktan at.... Blah blah blah." . Daming pauso. Hindi ba pwedeng "Nagmahal... Nasaktan at.... Edi mag-move on na! Daming mas malaking problema sa mundo: bill sa tubig, kuryente; presyo ng karne, isda, bigas pati gasolina at pamasahe; personalang away ng mga senador sa loob ng senado; ang bwesit na droga; ang mga gag*ng mga terosista; isyu sa Spratly Island; climate change; traffic; ang grade sa iskwelahan; mapagtatrabahuan at marami pang iba! Tapos ano? Pati yung taong minahal natin na sinaktan tayo ay poproblemahin pa? Nasaan naman ang mga hustisya? Dagdag pa yan sa paghahanap ng FOREVER (na wala naman talaga).

Ikaw! Oo. Ikaw na nagbabasang broken hearted ngayon. Ikaw na niloko ng iyong taong minamahal. Ikaw na pinaasa, pinaglaruan at pinagpalit sa iba. Ikaw na hindi binigyan ng oras at importansya. Ikaw na patagong pinagtaksilan. Ikaw na ikinahiya ng taong pinagmamalaki ko dahil mahal mo. Ikaw na iniwan lang ng walang dahilan. Ikaw na matapos matikman ay basta nalang binalewala. Ikaw na ginawa lang na tanga. Oo, ikaw nga. Ikaw na nagbabasa ngayon. Madali lang para sabihing "Hoy mag-move on ka na lang!" pero mahirap gawin. Alam ko ang pakiramdam mo. Dahil tulad mo'y naging biktima rin ako. Napatunayan kong hindi makakatulong kung may mga taong bubulyawan ka at gagatong pa na maaaring maging ugat pa ng komplikasyon at mas paghaba ng move-on process. Kaya nga miadalas na napapatanong ako kung bakit lagi nalang horror movies ang pinapalabas tuwing Halloween? Bakit hindi na lang LOVE STORY, eh mas nakakatakot kaya ang magmahal. Tsk tsk.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon