Dahil medyo malayo ang distansya ay kinakailangan pa naming sumakay sa pampasaherong dyipni upang marating ang kinaroroonan ni Maine. May dumaang dyip kaya lang puno. May isa na namang dumaan kaya lang puno rin. May dumaan na namang isa, hindi puno pero bulok na kaya hindi nalang namin pinara. May isa pang dumaan, halos puno na rin pero pinara na ni Mark kaya wala na akong no choice kaya sumunod na kaagad ako. Pag-akyat nya ay agad syang nakahanap ng upuan samantalang ako ay nakasabit lang dahil wala nang maupuan. Langya, pinilit ka na ngang isama tapos magsa-sakripisyo pa ng ilang oras na pagsabit.
Habang hirap sa aking posisyon ay inilibot ko ang aking mga mata at inisa-isang obserbahan ang bawat tao sa loob na dinaig pa ang sardinas na nagsisiksikan sa isang mailiit na lata. Narito ang ilang uri ng mga nilalang na inyong makakasalamuha sa loob ng mga pampasaherong jeep:
1.)The DRIVER
Ang may hawak ng manibela na tinalo pa sa bilis ang jet fighter ng Amerika kung makapagpaandar ng dyipney nya.
2.)The kunDOCTOR
Sya yung pilit na pagkakasyahin ang mga madlang pipol hanggang magmukha nang sardinas sa siksikan sa loob.
3.)The PUTOKero
Yung lalaknit na tinalo pa ang amoy ng taong Java na hindi naligo ng more than 936, 316, 361 years and 0.1 seconds.
4.)The FREETASTE Girl
Ang babaeng walang konsiderasyon at walang sentido kumon. Alam nang hinahangin na ang buhok nya ay hindi manlang itali. Nalalamon na tuloy nung nasa likod ang mala-alambre nyang buhok. Tsk tsk. Next time ay magdala ng gunting.
5.)The GENTLEMAN
Sya yung ipapaubaya ang kanyang upuan sa mga matatanda at mga babae. Endangered nalang ang tulad namin. Haha.
6.)The MANHID
Kabaliktaran ni The Gentleman. Sahalip na magpaubaya ay magtutulog-tulugan kunwari. Haizt! Bwesit.
7.)The MANYAK
Lalaking mula ulo-cleavage-pwet-legs hanggang talampakan ang titig sa mga babaeng pasahero.
8.)The POKER
Babaeng nagsusuot ng mahahalay na damit na sya namang mas target ni The Manyak.
9.)The GIANT
Pasaherong sa sobrang laki ay pang-dalawa o tatlong kataong upuan ang sakop ng pwetan.
10.)The MICROPHONE
Siya yung makikipag-kwentuhan sa loob ng dyip na tinalo pa ang sound system sa loob ng Philippine Arena at Araneta Coliseum sa lakas ng boses.
11.)The 1, 2, 3 Masters
Sila yung mga pasaherong sasakay ngunit hindi naman nagbabayad.
12.) The HOKAGE
Galawang ninja sa pag-diskarte o pag-tsansing sa katabing babae. Yung iba'y pasimpleng aakbay samantala ang iba nama'y pasimpleng idadantay ang balikat o siko sa boobz ng katabing chikz. Haha.
13.)The ESTUDYANTES
Sila yung mga pasaherong naka-uniform na nagbabasa habang umaandar ang sasakyan. Mukha bang library ang dyip? At FYI, nakakapagpalabo ng mata ang pagbabasa habang nasa umaandar ng bihikulo.
14.)The P.D.A. Couple
Sila yung mag-partner na kulang nalang ay gawin nang SOGO Hotel anug loob ng dyip. Akbay, yakap, himas at halik. Eng tetee? Babyahe o magsi-sex? Tsk tsk.
15.)The CRUSH
Siya yung inaabangan ng ibang pasahero na makasabay para makumpleto ang buhay. Maaaring gwapo o maganda o matalino o mabait. Basta madalas patagong tinititigan ni The Stalker. Haha.
16.)The STALKER
Sya yung malanding pasaherong palihim na pinagpapantasyahan ang kapwa pasahero na si The Crush. Haha. At napapakanta ng "PANGARAP LANG KITA" ni Ed Sheeran.
17.)The TAGA-ABOT
Ang kaawa-awang nilalang na nangangawit na ang kamay kakaabot ng pamasahe ng madlang pipol at syang nagsisisi kung bakit pa sya umupo sa malapit sa driver. Haha.
18.) The CHINA
Yung aangkinin ang ipinaabot na pamasahe kahit hindi naman sa kanya. Tsk Tsk.
19.)The RICH
Ang bwesit na ayaw makatabi ang mga mababang uri ng tao, patagilid umupo habang naka-de kwatro, ayaw mag-abot ng pinapaabot na pamasahe ng iba. Sya rin yung epal na kung makapag-display ng mga cellphone, ipod, tablet, at iba pang gadget ay tatlo-tatlo o apat-apat bukod pa ang mga nilalantad ng mga relo, kwentas, bracelet etc.
20.)The FEELER
Sya yung hindi naman gwapo o maganda pero hilig magpa-cute kahit mukha namang dinasaur na may pigsa mula ulo mukhang paa.
21.)The DANIEL PADILLA
Sya yung kahit sobrang init na sa loob ng sasakyan ay naka-jacket parin o kahit madilim na ay naka-sunglasses parin. Whaha.
22.)The ALIEN
Pasaherong may sariling mundo. Walang pakealam sa paligid, kumakanta nalang bigla o tumatawa nalang mag-isa. Haha. Ipa-mental hospital na yan!
23.)The FASHIONISTA
Babaeng ginawang fashion show ang loob ng dyip. Sasakay nalang, ang tagal pang umupo. Tsk tsk. Gawin pang rampahan ang jeep?
24.)The HOLY ONE
Pasaherong nagsa-Sign of the Cross sa bawat chapel na nadadaanan ng sasakyan. Sana nga lang ay bukal sa kalooban hindi yung mag-SotC lang para ipamukha sa mga makakakita na banal sya.
25.)The KABET
Literal na kabet. Sila yung mga nagsa-sakripisyong pasahero na nakasabit sa bukana, labas at bubong ng dyip. Sila yung mga taong handang salubungin ang malalakas na hampas ng hangin at init ng araw makarating lang sa nais nila paroonan. But still, LABAG SA BATAS.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...