Part 38-MGA URI NG PA-FALL (PAASA)

149 1 0
                                    


Kaya nga lang minsan ay nasasaktan tayo hindi dahil niloko ka kundi dahil umasa ka sa isang bagay na hindi mo naman dapat inasahan. Nagka-chat lang kayo hanggang medaling araw pakiramdam mo nang importante ka na sa kanya? Hindi ba pwedeng may insomnia sya, nababagot at nagkataong ikaw lang ang active sa facebook kaya nabigyan ka ng katiting na panahon? Hinawakan at inakbayan ka lang habang nasa mall ay pakiramdam mo nang mahal ka nya at pinagmamalaki ka nya sa lahat ng mga tao? Di ba pewedeng maganda o gwapo ka kaya ka nya isinama para may maipang-display sya sa publiko? Sinabihan ka lang na "I love you" tapos tapos wala pang isang segunbdo ay nag- "I love you too" ka kaagad? Yan tayo eh. Masyado kang umasa at kapag hindi mo nagustuhan ang kinahinatnan ng inaasahan mo ay sisisihin mo yung taong tinuturo mong nagpa-asa sa'yo? Walang magpapa-asa kung walang aasa. At may mga bagay na hindi mo dapat asahan dahil sa una palang ay wala ka nang pag-asa, umasa ka lang talaga agad ng sobra.

Ang masaklap ay hindi alam ng iba kung ano ba ang dapat at hindi dapat asahan. Hindi nila alam kung kailan sila dapat umasa at hindi rin nila alam kung sinu-sino ang mga paasa kaya hindi nila maiwasan. Nung uhugin pa akong paslit at uso pa ang humarap sa electric fan habang kumakanta ay naniniwala pa ako sa kasabihan na "United we fall, united we stand." Pero simula nang magbinata't magsibol na ang unli-tagyawat sa aking masalimuot na pagmumukha ay witetz na me nag-trust sa qoute na iyon lalo na nang na-fall ako't di naman ako sinalo dahil bigat10 kuno aketch. <insert sad face>.

And ay do belib dat diz iz da bez moment ay bin weyting four. Leydiz en jentelmen, let me prezent to U da MGA URI NG PA-FALL (PAASA):

1. The ASTRONAUT

Siya yung pa-fall na buang. Kuwari'y labadabadoo na nyo ang wan anader den ol op a saden ay a-adlib na "Please. Let's end this relationship. I need SPACE." Ipasundo kita kay Kokey eh. Tsk tsk.

2. The PASYENTE

Ang mamarut o paparut na need i-first aid ang broken heart kaya nagsi-search ng gagamitin nyang gamot. Unfortunately, ikaw ang natapatan ng spotlight, mukha kang antibiotic. And if okiedokie na ang heart2x nya ay waley na sya care to you. Tantararan!

3. The FLASH

Tinalo nya pa ang superhero ng Justice League. Langya, super bilis dumiskarte/magpadiskarte tapos 'pag na-fall ka na ay super bilis din tumakbo.

4. The TRAINOR

Parang si Ash ng Pokemon sa pag-train sa'yo na mahalin mo sya. At nagpa-train ka naman kaya na-fall ka. Ang masaklap, may ibang pokemon pa pala syang tini-train bukod sa'yo. Dahil nga broken-hearted ay mapapabayaan na ang sarili kaya ka-look-alike mo na ang zombies sa Train to Busan. #TRAIN

5.The COSTUMER

Ito yung g*gong ang sarap lang palakulin ang anis at ipalapa sa mutant na dinasaur. Grrrrr! Ito yung pa-fall na ang turing sa relasyon ay animong karenderya lang at ikaw ang kaawa-awang putahe. Takam na takam sya sa'yo. Nguni't kapag natikman ka na't nabusog na sya'y iiwan ka nalang basta kung saan ka nya kinain. Tsk tsk. Kaya di ako pabor sa company line na "Costumer is always right" na yan. Hindi ba pwedeng "left" naman?

6. The BUBBLE

Kapag na-fall ka na'y bigla na lang syang mawawala nang wala man lang paalam. Hello!?! May SMS, twitter, facebook at skype na kaya ngayon! Try mo rin ang instagram, kilogram, diagram at program. Hmmmft. Nakaka-highblood 'to!

7.The CROCODILE

Para syang buwayang pulitiko na papangakuan ka ng kung anik-anik upang ma-fall ka at ihalal mo sya sa puson... este puso mo. Afterwards ay kukunin na ang pinakakaingatan mong kaban ng bayanan. Tapos ano? May natupad ba sa sandamakmak na mga pangako? Parehas kayong bwesit ni The COSTUMER!

8. The FRIENDZONER

Yung hinayupak na niligawan mong sinagot ka o ang lintik na nanligaw sa'yo na sinagot mo. Yung feeling na nasa tigsi-7 pesos na cloud 9 ka na dahil sa hapinezzzzz tapos after 0.1 minutes and 0.1 kilometers ay sasabihan kang "Serry. Ken we be frends ne leng?" Paasa ka! Pa-fall ka!

9. The RIGHTEOUS

Sya yung kabaliktaran nung magkumpare na The Costumer and The Crocodile. Atleast dapat i-forgive sya dahil sya yung tipong pina-fall ka't iniwan dahil sa katanggap-tanggap na rason like education, work and/or offering himself/herself for the glory name of our Almighty God. Suportahan pa nga dapat eh.

10. The KURYENTE

Alam na diz!!! Parang brown-out na hindi naman talaga brown. Yung mapo-fall ka tapos bigla syang mawawala tapos magbabalik tapos mapo-fall ka ulit tapos bigla syang mawawala ulit tapos magbabalik tapos mapo-fall ka ulit tapos bigla syang mawawala ulit tapos magbabalik tapos mapo-fall ka ulit tapos bigla syang mawawala ulit. Nakaka-imbyerno!

Hayan! Hayan! Hayan! Si ate/kuya, nakaka-relate na at tumutulo na ang kulangot na na-liquified. Whaha. If ever na may knows pa kayotzkie na iba pang MGA URI NG PA-FALL (PAASA) ay don't hesitate to gently touch me, taste me (kung girlaloo ka) and tell me para idagdag ko sa magical list.

MalungQOUTE na QOUTEs:

-"Bibili ako ng airplano para masundo ko ang mga taong na-fall at iniwan sa ere."

JOWK LUNGZ:

Q: Anong FALL ang bayani?

A: Edi, aFALLinario Mabini

is ang asin. 0MaA.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon