One day, isang araw ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Nag-aalala na kasi si Mark kay Maine dahil parang nilamon na ito ng Korean novela. Yun bang bawat makita nitong tao ay binabati ng "Anyoung haseyo!", "Mannasuh bangapseumnida!", "Jal itsuh.!" at kung anu-ano pang mga salitang hindi ko naman maintindihan. Adik din sya sa mga Korean drama lalo na kung pinagbibidahan nila Lee Min-ho, Gong Yoo, Kim Soo-hyun, Kim Bum, Kim Tae-hee, Ha Ji-won, Jun Ji-hyun,Park Shin-hye, Song Hye-kyo, Yoon Eun-hye. Halos ang laman din ng memory card nya ay mga kanta at music video ng mga K-Pop Boybands lalo na ng EXO at Super Junior. Ang laman naman ng facebook nya ay puro litrato ng mga Korean foods tulad ng kimchi,bibimbap, ddukbokkie at japchae na pangarap talaga nyang matikman.Kahit sino naman siguro ay mag-aalala sa kganitong uri ng kalagayan. Unang una, Pilipino si Maine. At pangalawa, OA na. Kung kaya't hindi maaaaring sisihin sin Mark kung nasita man nya si Maine. Ngunit dahil may namumuo nang hindi pagkakaintindihan, ang isyu tungkol sa Korean-thingy ay tila bagang posporo na nagpasabog sa isang malaking bomba.
Dalawang araw mula nang magkaaway ang dalawa ay wala manlang kamustahang naganap. Marahil dahil sa pag-aalala ay napagpasyahan na rin ni Mark na magpadala ng mensahe kay Maine
Text Message Sent
Sender: Mark the Lover Boy
Message: Maine my Labz. Kamusta na? Sorry kung may nasabi man akong ikinagalit mo. Pangako, hindi na mauulit. Magparamdam ka naman. Nag-aalala na ako sa'yo eh. Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita. Miss na kita eh.
Hintay...
Hintay...
Hintay...
Nakatulog ka.
Nagising ka dahil sa tilaok ng aso sa kesame.
Nagmumog ka.
Tiningnan ang cellphone pero wala paring reply mula kay Maine.
Hintay...
Hintay...
Hintay...
Nakatulog ka ulit.
Nagising ka malakas na boses ng mga sentunadong lasengerong kumakanta sa saliw ng mga minus one sa videoke.
Nagmumog ka.
Tiningnan ang cellphone pero wala paring reply mula kay Maine.
Hintay...
Hintay...
Hintay...
Nakatulog ka ulit.
Nagising ka dahil biglang tumunog ang cellphone mo
Agad mong binuksan ang inbox ngunit ang nabasa mo ay mensaheng binabati ka dahil ikaw ay nanalo ng isang milyong piso at upang makuha mo ang premyo ay tawagan mo ang isang atorney daw at magpadala ka ng pera kahit isang libo para ma-proseso ang pagdeliver sa'yo.
At dahil na-bwesit ka ay binura mo ang mensahe at natulog ulit.
Hintay...
Hintay...
Hintay...
Nakatulog ka ulit.
Nagising ka malakas na bunganga ng mga kapitbahay na nag-aaway.
Nagmumog ka.
Tiningnan ang cellphone pero wala paring reply mula kay Maine.
Hintay...
Hintay...
Hintay...
Nakatulog ka ulit.
Nagising ka dahil biglang tumunog ulit ang cellphone mo ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na scammer ang nag-text kundi si Maine na.
Agad na binuksan ang mensahe at ika'y nabigla sa nilalaman.
Text Message Recieved
Sender: Maine My Labz
Message: K
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...