Part 42-Nag-resign ang Lokong HR

55 2 1
                                    


Alas singko nang hapon ng matapos ang job fair. Inasikaso naman ako ng maayos ng mga tauhan ng munisipyo/ May breakfast, lunch at may pahabol pa na snack na lahat ay hindi ko rin naman nakain dahil sa pagod at dahil mas nangingibabaw ang pagnanais na mapag-bigyan ang lahat ng mga aplikante. Ipinasok ko na sa aking traveling bag ang lahat ng mga kagamitan ko kasama na ang mga lagpas isang dangkal na mga resume at biodata ng nakipagsapalaran. Sarisaring mga tao ang nakaharap ko. May mayabang, may mahinhin, may mabait, may parang nakalunon ng mikropono sa lakas ng boses, may patangatanga, may mga makakalimutin, may mga halatang napadaan lang, may mga reklamador, may mga dakilang komentarista, may mga pangit, may mga gwapo, may mga magaganda, may mga masisipag, may mga tapat sa pagsagot at may mga sinungaling. Lahat nang mga obserbasyong yun ay nakasulat ng pula sa mga ipinasa nila sa aking puti na papel. Matapos makapagpaalam na mga nag-organisa sa nasambit na aktibidad ay akin nag binitbit ang aking traveling bag at umuwi na.

Hindi man kasing taas ng Statue of Liberty ang kinikita sa propesyong napasukan ko. Mahirap magtrabaho. Pero kaygaan sa pakiramdam na bawat kinse dias ay taas noo kang pupunta sa accounting office o sa malapit na ATM machine upang kunin ang sweldong produkto na iyong pinagpaguran.

Ngunit kung minimum wage earner lang na tulad ko ay mapapaisip din. Halos kulang pa ang sweldo sa pagkain at pamasahe bukod pa sa responsibilidad na kailangang bahagian mo rin ang pamilya mo.

Hindi manlang makapanood ng sine, hindi makabili ng bagong damit, hindi makakain ng masarap sa restaurant, hindi makabili ng mga librong nais basahin at hindi man lang makapagliwaliw. Hindi nakakatawang biro ni Kapalaran. Kung kailan ka nagkatrabaho ay tsaka ka naman iiwas sa mga bagay na pinangarap mo nung mga panahon wala ka pang trabaho. Sahalip na gumastos ay mas pipiliin nalang na itupi ang papel na pera sa iniingatang pitaka o sa bangko dahil batid na ang hirap kung paano kumita.

Labingwalong taon akong nag-aral at habang buhay na magtatrabaho. Ito ba ang punto ng aking pagkasilang? Simula desisais anyos hanggang mamatay ay paghagilap lang ba ng pera upang manatili sa mundong ibabaw ang rason ng paghigop ko ng oxygen?

Hindi patas ang gastos at hirap ng trabaho sa sweldong kikitain. Sampung kahig isang tukha kung aking iisipin. Napatunayan kong mas lamang pa ang sigaw ng mapagmata mong boss na dayuhan. Hindi ako pabor sa konsepto na ang mga Noypi ay magiging alipin ng hindi Noypi.

Sisigawan, iinsultuhin, mumurahin at ang masaklap ay babatuhin ng kahot anong maabot. Ang target? Si Noypi na nakagawa ng maliit na kamalian. Hindi ko naranasan ito ngunit nakita ng aking dalawang mata kung paano naging biktima ang mga kasama ko.

Kapag si Juan ay nagtungo sa banyaang lugar, aalipinin si Juan ng mga banyaga. Kapag ang banyaga ay nagtungo sa ating lugar, aalipinin parin si Juan ng mga banyaga. Wow! Hospitality at its best! Nasaan na ang prinsipyo ni Juan? Nasa talampakan? Wag naman nating hayaan na mging alipin sa sarili nating bayan.

Para saan pa ang paggapi ni Lapu-lapu kay Magellan sa Mactan? Mawawalan ba ng saysay ang pagpapakamatay ng mga Katipunero sa digmaan? Ito nalang ba ang magiging bunga ng pagbaril kay Jose Rizal sa Dapitan?

Naniniwala akong hindi natin ituring na kalaban ang mga banyaga dahil sa kasalukuyan ay kakampi na rin natin sila. May Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), United Nations (UN) at marami pang grupo kung saan ang mga pinuno ng mga bansa, kabilang na ang Pilipinas ay nagpupulong at nagpaplano kung ano ba ang mas mabisang paraan upang mapagtibay ang pundasyon ng relasyon ng bawat lahi at kung ano ang magiging solusyon sa kakulangan ng pagkain, langis at enerhiya, kung paano masusugpo ang terorismo, droga, pagkasira ng kalikasan at marami pang iba. May United Nations Children's Fund (UNICF)

May mga nakilala rin akong mga taong iba ang nasyunalidad tulad ng amerikanong si Adam Tyler na minsan kong nakakwentuhan sa bus noong ako'y patungo sa Olonggapo, ang dalagang half-American at half-Korean na si Nic Cha na nakakulitan ko noong kapwa kami naging kinatawan ng kumpanya sa Tarlac (HR sya sa isang BPO company), ang Italyanang si Ornella na nakainuman ko nung minsan akong nag-overnight sa isang mumurahing resort sa Laguna at ang Japanese na si Miyake san na dati kong nakatrabaho, sa kabila ng katandaan ay mas malinaw pa sa tubig sa Boracay ang kanyang memorya at higit sa lahat ay ang gana ng anak nya. Hehehe. Kon'nichiwa Miyake san!

Ang apat na nabanggit ay naging napakabait sa akin. Sila ang mga patunay na hindi lahat ng mga banyaga ay napaparito sa Pearl of the Orient Sea upang manakop o mang-api ng mga Pilipino na minsan nang naturing na indio. Ang iba ay narito upang magbigay na oportunidad, ang iba'y gustong lumayo saglit sa bansa nilang mas magulo pa pala sa Pilipinas, ang iba'y napadaan dito upang maghanap din ng trabaho, ang iba'y bumisita upang makita ang ganda ng mga tanawin aa ating bansa, samantalang ang iba ay naparito upang maghanap ng kaibigan at ka-ibigan.

Nagkataon lang marahil na masamang uri ng nilalang ang naging boss ko na mas masahol pa ang ugali sa mga halimaw sa fictional movies.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan kong lisanin ang kumpanyang yaon sa kabila ng ligaya dahil masayang samaang ng kapwa empleyado at mga aplikanteng nananatiling masaya habang nagsusumikap na makahanap ng trabaho.

Marami pa naman dyan. Hindi lang iisang kumpanya ang nakatirik sa matabang lupa ng arkipelago ng Pilipinas. Hindi ako makakarating sa nais kong tunguhin kong mananatili akong nakaupo at hindi maglalakas loob na bumaba sa sasakyang hindi naman patungo sa destinasyong nais kong marating.

At tama ako. Tama ang desisyon ko. Nakahanap agad ako ng trabaho na mahal ko at minamahal ko. Trabahong hindi ko tinuturing na trabaho kundi pangarap na patuloy kong pinapangarap at papangarapin.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon