Part 41-Job Interview Tips

64 1 0
                                    


Pasado alas nwebe nan g umaga nang aking marating ang covered court kung saan ginaganap ang job fair. Lahat ng kumpanyang naghahanap ng mga aplikanteng pasok sa kanilang panlasa ay ukupado na ang nakalaang mga lamesa't upuan para sa kanila.

"Good morning sir," bati sa akin ng isang empleyado na nakasuot ng itim na polo-shirt na may tatak na nagmamalaking ORGANIZER.

"Good morning din."

"Aplikante po?" tanong nya.

"Hindi po," magalang kong sagot.

"Ah, kinatawan po ng kumpanya?" muli nyang tanong.

Sahalip na sagutin ay minabuti kong ilabas na lang ang authorization letter mula sa Philippine Overseas Employment Administration at Public Employment Services Office kasabay ng imbitasyon ng alkalde ng lungsod na yaon. May pinapirmahan sakin at agad na inihatid sa lamesang aking gagamitin.

Ilang minute lang ang lumipas ay umalingawngaw mula sa lumang ispiker na halatang hindi na pinagkaabalahan pang balansihen ang treble at bass setting.

"Mga ginigiliw naming palikante mula sa iba't ibang bayan, nais lang po sana naming ipabatid na ang (insert company name) ay kasalukuyan nang nasa table numero syete sa kaliwang bahagi nitong lugar."

Napatingin ako sa numerong nakapatong sa aking lamesa at napagtantong numero syete ang nakasulat roon. Sakto, paborito kung numero. Nang iangat ang aking ulo'y nagulantang ako nang tumambad sa akin ang sandamakmak na mga taong nagtutulakan at pilit na inaabot sa akin ang dalang mga papel.

"Sir, aplikante po ako."

"Kanina pa po ako nandito."

"Kompleto po mga documents ko."

"Sir, ano po ba ang bakanteng posisyon."

Ang daming boses na hindi na hindi na mai-proseso ng aikng utak. Dahil nga sabay-sabay at ang iba'y hindi pamilyar ang dyalekto pinagbibigkas ay wala na talaga akong maintindihan. Nakita kong medyo hirap din ang mga tagapamahala sa pag-alalay.

Kumatok ako ng tatlong beses sa lamesa at nakangiting sinabi, "Lahat po kayo'y mapagbibigyan ng pagkakataong makausap. Pumila lang po kayo ng maayos."

Wala naman akong narinig na kahit anong reklamo bagkus ay unti-unti silang gumalaw paurong at gumawa ng isang linya.

Inilabas ko mula sa aking traveling bag ang lapis, correction tape, stapler, marker at ballpen na madalas kong gamitin sa tuwing ako'y parang kalapating pinapadala sa mga ganitong uri ng akitibidad. Inilabas ko rin ang attendance sheet na kinakailangang punan ng mga aplikante ng kanilang pangalan, edad, tirahan. Pirma at kung ano ang nais nilang pasukang trabaho.

Nang mai-ayos ang lahat ng mga gamit ay pina-upo ko na sa aking harapan ang unang aplikante.

A1: Good morning sir.

Ako: Good morning din. Ano ang inaaplayan?

A1: Kahit ano po.

Unang sagot ng unang aplikante para sa uang tanong, mali kaagad. Ilang lingo bago ganapin ang isang Job Fair sa isang lugar ay ikinakalat nan g kinauukulan ang mga impormasyon sa kung ano ang mga kompanyang dadalo at kung ano ang mga bakanteng trabaho. Kung sakali naming sa mismong job fair mo lang nakilala ang kumpanya ay may mga tarpaulin na nakakabit sa lang bahagi ng lokasyon at may mga fyers din na ipinapamigay ang mga tagapamahala at may nakapatong din sa lamesa ng mismong kompanya. Ang pag-sagot ng "Kahit ano." sa tuwing tinatanong ka kung anong nais mong trabaho ay katangahan. Mahalagang alam mo kung ano ang nais mong trabaho, hindi yung kung ano lang ang bakante.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon