Part 23-Wanna Be Super...

77 4 0
                                    


Minsan na akong natanong kung sino ang hero na gusto kong maging. Kung nung panahong nasa elementarya o hayskul pa ako ay siguradong Superman ang isasagot ko dahil sa angkin nitong kapangyarihan. Sino nga ba namang tao ang ayaw makalipad, na hindi makaramdam ng sakit sa pambubugbog o sa mga bala ng matataas na kalibre ng baril at makaikot sa buong mundo sa loob lamang ng ilang segundo? Sino? Kung superhero ang pag-uusapan ay imposibleng hindi pumasok sa kokote mo si Superman, the Man of Steel ng Justice League. Kung hindi mo sya kilala, baka tulad mo rin syang taga-ibang planeta.

Ngunit iba ang aking isinagot sa nasambit na katanungan. Sino nga ba ang gusto kong maging? Tantanantan! Walang iba kundi si Batman. Agad na tumaas ang makapal nyang kilay at lumapit sa aming katrabaho upang ikwento habang walang humpay sa paghalakhak. Nang matapos ang kwento'y sabay-sabay silang tumingin sakin at nagsitawanan na para bang nakatapak ako ng mabahong jackpot sa lansangan. Samantalang ako, ngumiti lang at nanatiling tahimik.

Batman? Bakit si Batman? Dahil ba mahilig ako sa ekspresyon na "Bahala na si Batman" ng mga tinatamad na mga unggoy? Offcurse nut!

Marahil walang ekstraordinaryong kakayahan si Batman kung ikukumpara kay Superman, Captain Marvel o Spiderman pero pagiging hero ang usapan dito at hindi powers.

Wala mang kapangyarihan ay nakaya nyang iligtas ang mga naaapi hanggang dumating nga sa puntong tinagurian na syang bidyelante ng mga kinauukulan.

Bago pa man ipalabas sa mga movie screen ang pelikulang "Batman Vs. Superman" ay alam ko nang mananalo si Batman. Kung tutuusin ay mapapatay nga nya sana ang Man of Steel kung hindi lang sya inawat ng love partner ng huli. Sya pa nga ang nag-buo sa grupong Justice League na bukod sa kanya at kay Superman ay kinabibilangan ng mga Meta-Human na sila Wonder Woman, Aquaman, Flash, Cyborg, Green Lantern atbp. Yah' got the image ma' frand? Meta-Human! Lahat sila ay may superpowers at ang nag-buo ng grupo nila ay isang hamak na ordinaryong tao na walang ano mang kapangyarihan. Take note: Bukod kay Lex Luther na syang naka-diskubre sa mga kinalalagyan noon ng mga Meta Human, tanging si Batman lang ang nakakaalam ng mga kahinaan ng Justice League members.

Deadpool, pangalawang hero na gusto kong maging... oooops, hindi pala sya fulltime na hero, partime villain sya. Isa sa mga pagkakataon nang dukutin nila si Dr. Bruce Banner aka Incredible Hulk ng Avengers na kinabibilangan naman nila Captain America, Ironman, Thor, Hawkeye atbp. Pero bumawi naman sya nang iligtas nya si Arcangel mula sa bingit ng kamatayan at nang tulungan nya ang ilang myembro ng X-Men sa pakikipaglaban. Nabasa ko lang sa comics kaya ibinahagi ko. Wala pang pelikula eh. Haha. Pero ang bottom-line, masama man sya ay nangingibabaw parin sa kanya ang pagiging mabuti.

Pag-uwi ko'y pumasok sa akin utak ang reyalisasyon: tulad din pala ako ng komon tao na medyo mababaw mag-isip. Ang mga hero na nabanggit ko ay mga kathang isip lang. Ang dapat sanang bayani na isinagot ko ay ang mga bayaning nakapag-ambag ng makatotohanang elemento na naka-apekto sa aking pagkatao.

Kung maibabalik ko lang ang mga kamay ng orasan at muli akong tanungin ng kaparehas na tanong ay walang habas na ipagsisigawan ko ang pangalan nila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna, Gregorio Del Pilar kabilang na ang mga Pilipinong walang takot na isinugal ang kanilang buhay sa pakikipaglaban sa mga mananakop upang makamtan ang tinatamasa natin ngayong kapayapaan at upang maiwagayway ang bandila ng ating bansa. Kung hindi sa kanila'y marahil hindi Lupang Hinirang ang inaawit ng sambayanan at hindi bandila ng Pilipinas ang itinataas sa tuwinang may flag ceremony.

Mas angkop din na ituring na superheroes ang mga OFW's na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga kamag-anak sa Pinas sa kabila ng katotohanang may mga kababayan tayong umuuwi rito na nakakahon na at yung iba nama'y napagbintangan na nagdala ng droga at binibitay na sa bansang yaon.

Indeed, we are presently living in a world full of insane systems. Kapag ang mga Pinoy ang napagbintangan na may dala ng katiting na droga, bintay agad. Samantalang dito sa Pilipinas ay napakaraming mga banyaga ang nahuhuli hindi lamang dahil nahulihan ng isang maliit na sachet ng droga kundi may sarili pang pabrika! And then what? Nabitay ba sila dito sa Pilipinas? Again, indeed, we are presently living in a world full of insane systems.

Karapatdapat ding ituring na superheroes ang mga responsableng drivers na sweet lovers na pumapasada umulan man o umaraw.

Karapatdapat ituring na superheroes ang mga magsasaka na tagaktak lagi ang pawis para lang mapakain ang sambayanan.

Karapatdapat ding ituring na superheroes ang mabubuting mga guro lalo na ang mga natutungo sa mga liblib na lugar para lang makapagturo sa mga kabataan kahit na kakapiranggot lang ang sahod.

Karapatdapat ding ituring na superheroes mga matitinong tanod, sekyuriti gard, pulis, bombero, rescuer, nurse at doktor na nagliligtas sa atin sa panahon ng kapahamakan.

Marami pa akong hindi nabanggit. Basta sa lahat ng mga taong ginagampanan nang matino ang kanilang mga responsibilidad sa lipunang ating ginagalawan, kabilang kayo sa mga tinuturo kong superhero.

Ang superheroes ng buhay ko: ang aking papa Jonathan at mama Leonila pagkat sila ang nagbigay sa akin ng aking buhay. Kung wala sila ay siguradong hindi nyo ngayon nababasa ang Libro ng Kalokohang Aral. Isang oras bago ko tanggapin ang aking diploma na syang ebidensya pagtatapos ay may isinulat akong tula na inaalay ko sa aking mga magulang na binigyan ko ng titulong PRTSPIWFY (An acronym for my MOTHER and FATHER).

Thanks, you've chosen A past full of sacrifice.

You taught me the right ways on how to be wise.

You Took the oath to love unconditionAlly.

Now I could see Your real identity.

Applause for the severe trials you've passed through.

The reasoN of my existence is because of you.

A bucket of tears you've cried yet Never get tired

For my sAke, you tried to mAke Your presence wide.

Mom aNd Dad, please read this short poem I wrote for you

I consider your love As my precious memento

You've created mosaic in my lifeless world

For my upcoming journey, your treasure words are mY sword.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon