Pag-uwi nya'y sahalip na magtungo sa kusina upang maghanap ng bahaw kanin at magtimpla ng mainit na kape tsaka pupunta sa sala upang manood ng paborito nyang tv show na syang daily routine nya, agad nyang hinanap sa facebook ang pangalan ni Maine na nakita naman nya na nakasulat sa identification card na suot ng dalaga.
Click URL...
Type facebook.com...
Insert email address...
Insert password...
Click login...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Ang tagal naman. Ang loading ng internet ay kasing tagal ng pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng iba't ibang kriminalidad. Tsk tsk.
Loading...
Loading...
Mark: Yehey! Login successful!
Inisa-isa na nya ang mga litrato na naka-post sa wall ni Maine. At talagang nagpaka-stalker talaga sya! Bonggaliciouz! Haha. Napag-alaman din nya na transferee pala ang dalaga at nagmula pa sa isang napakasikat na unibersidad.
Mark: Nice!
KINABUKASAN ay namumugto ang mga matang pumasok sya sa paaralan. As usual ay late na naman sya.
Handa na ang kanyang mga eardrum sa pagtatalaktalak ng mala-dragon na bunganga ng terror na guro nila. Putak nang putak, bad-breath naman! Chakanezzz! Papasok na sana sya sa classroom nya kaya lang nahagip naman ng kanyang perepheral sight ang isang pamilyar na babae 546, 231, 891, 572 million kilometers away.
Mark: Si Maine yun ha. Malapitan nga.
Lakad...
Lakad...
Lakad..
Nasa harapan na sya ng dalaga at nasasamyo na nya ang pinaghalong amoy ng shampoo at perfume na ginagamit nito.
Mark: Ahem (ubo sound effect)
Ang inaasahan nya ay hindi sya mapapansin o maaalala ni Maine at baka ipagtatabuyan ngunit laking gulat nya nang yakapin sya nito nang sobrang higpit. Mayamaya pa'y narinig nya ang impit na paghikbi ng dalaga kasabay ng pagkadama ng pagkabasa ng batok nya dahil marahil sa butil ng mga luhang tumutulo sa pagal na mga mata nito.
Mark: Sige lang. Ilabas mo lang lahat nararamdaman mo. Wag mo lang ipamunas sa sipon ang kowelyo ng uniform ko.
Maine: Huhu (insert singhot sound effect).
Tumagal pa nang kinse minutos tsaka natapos ang pag-iyak ni Maine. Hindi naman magka-utal-utal ang dalaga sa pag-hingi ng sorry at pagpapasalamat kay Leinahtan.
Mark: Teka lang. Kanina pa ako nagmumukhang engeng dito. Paki-paliwanag naman sa akin ang rason kung bakit nagka-tsunami rito ng luha at uhog. Paki-explain naman by the use of scientific method and use the formula of x+y=N to find the futuristic location of unidentied flying object. Thanks.
Maine: Haha.
Mark: Mas maganda ka kapag tumatawa. (PS: generic na banat ng mga bolero.)
Maine: Teka. Bakit ka pala lumapit sakin? Late ka na naman noh?
Mark: Sort of. Haha.
Maine: Kung may additional grade ang pagiging late, siguro comlaude ka na?
Mark: Grabe ka naman sakin! Minsan lang naman ako ma-late eh.
Maine: Weeeeeee?
Mark: Oo nga. Promise. Once a day lang. Haha.
Maine: K
Mark: So ano nga ang dahilan at tinalo mo pa si Nora Aunor, Sharon Cuneta, Vilma Santos at Maricel Soriano sa pagda-drama dyan kanina?
Maine: Yung boyfriend ko kasi eh, halos every week ay nahuhuli kong may iba-ibang babae.
Mark: Ano ba yang boyfriend mo. Parang may qouta sa babae. Kapitin ng higad, laging nangangati.
Maine: Yeah.
Mark: At nagpakatanga ka naman? Hello kitty! Ikaw na mismong nagsabi na nahuhuli mong iba-iba ang babae nya!
Maine: Eh kasi nga, nagmahal.
Mark: Natural lang sa isang tao na magpaka-engot sa larangan ng pag-ibig pero hindi naman dapat permit yan para forever kang magpaka-engot.
Maine: Aray naman! Kailangan isubsob sa maganda kong pagmumukha ang katotohanang engot ako?
Mark: Sige, yung lips ko nalang ang isubsob ko sa napakaganda mong mukha.
Maine: Sige, yung katotohanan nalang ulit. Kahit truth hurts.
Mark: Langya, chossy ka pa!
Maine: Haha
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomansaPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...