Part 33-My Convo with TV and Aircon

46 1 0
                                    


Pagdating sa bahay ay inilapag ko lang ang aking bag sa isang tabi, isinabit ang long sleeves at pantalon sa pako na nakatusok sa likod ng pintuan ng aking kwarto.

Pinindot ang on botton ng TV at hinintay na matapos ang palatastas. Bigla ay gusto kong pasabugin ang monitor ng telebisyon. Oo, gusto kong maging terorista sa loob ng aking pamamahay kahit ilang minuto lang.

TV: Ano bang ipinuputok ng butsi mo?

Ako: Yung mga komersyal na pinapalabas mo! Puro kasinungalingan lang!

TV: Huh? Bakit naman!

Ako: Langya, yang mga produktong pampaputi, pangtanggal ng tagyawat at kung ano pang tsetseburetse dyan eh nasubukan ko na. Halos isang dram na nyan ang pinangliligo ko araw-araw tapos ultimo yung mga facial wash na yan ay nilaklak ko na pero WA EFEK naman!

TV: Oh, bakit ako ang sinisisi mo? Sila ang sisihin mo!

Aircon: Oo nga naman! Wag mo naman sisihin si Pareng TV.

Ako: Hoy Aircon! Wag ka nga singit nang singit sa usapang ng ibang tao!

Aircon: Tanga! Kailan pa naging tao ang TV? Aber?

Ako: Oo nga noh?

Aircon: Haha

Ako: Anong tinatawa-tawa mo jan huh? Alam mo isa ka pa eh. Ang sarap mo ring ratratin ng 45 calibre na madalas na nare-recover ng mga awtoridad mula sa mga malamig na bangkay ng mga suspek na nanlaban diumano sa mga isinasagawang buy bust operation eh.

Aircon: Oh, bakit pati ako ay pinag-iinitan mo? Eh, pinapalamig na nga kita eh.

Ako: Heh! Tumahimik ka! Isa ka ring paasa. Sabi nila kapag naka-aircon eh puputi na ang kutis. Bakit ako, malapit na sa 0 degree celsius ang temperature setting, halos maging frozen pig na ako rito pero hindi naman ako pumuputi?

Aircon: <Silence>

Ako: Hoy! Bakit hindi ka na nagsasalita?

Aircon: Pagkatapos mo akong sabihan na manahimik tapos ngayong tahimik ako ay tatanungin mo ako kung bakit hindi ako nagsasalita? Ano ba talaga? Naka-drugs ka ba? Sumuko ka na sa awtoridad.

Ako: Oo nga noh? Pero, ano kasi... basta hindi ako naka-drugs! Pero sana tuluyan na ngang maglaho sa bansa ang pesteng droga na yan noh? Alam mo, saludo ako sa mga taong hindi naging parte sa pagpapalawak ng serkulasyon ng droga at lalong lalo na sa mga awtoridad na handang ibuwis ang kanilang mga buhay para lang mapuksa ang mga masasamang elemento ng lipunan.

Aircon: Sadyang kailangan natin ng magandang pagbabago.

TV: Oo nga. At sana umpisahan natin ang pagbabago sa ating mga sarili.

Ako: Tama! Sa tahanan pa lamang ay turuan na sana ng mga magulang ang kanilang mga anak kung ano ang mga gawaing tama at ilayo sila sa mga gawaing mali.

TV: Sa mga buwaya naman sa loob ng pamahalaan (kung hindi ka buwaya, umilag ka), nawa'y magbagong buhay na kayo.

Sinara ko nalang ang telebisyon dahil nagmumukha na talaga akong baliw. Sino ba ang matinong tao na nakikipag-usap sa mga bagay na wala naming buhay. Minabuti ko nalang na matulog. Kailangan kong mag-charge ng katawan dahil kinabukasan ng madaling araw ay kailangang nasa byahe na papunta sa probinsya kung saanmay gaganaping job fair. Dahil marahil sa pagod ay agad na mahimbing ang tulog ko.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon