Tulad ng nakagawian, dumeretso kami sa paborito naming tambayan tuwing tanghalian--ang puno ng Antipolo na nasa tuktok ng bundok. Mula rito ay tanaw mo ang kapatagan at mga kabundukang nababalot ng mga halaman at mga puno. Berdeng berde tulad ng aking utak.
Kanya-kanyang salampak sa mga pwedeng pwestuhan. Ang iba ay sa ugat ng puno, ay iba'y kumuha ng kahot at bato, ang iba nama'y hinubad ang pudpod na tsinelas upang magsilbing upuan. Sabay-sabay na inilabas ang mga baong pagkain. Ang ulam ng iba'y pritong hotdog, itlog, isdang tuyo, laeng, adobong kangkong. Pero ano man ang ulam, masarap man o hindi, busog naman kami sa kwentuhan at tawanan.
Nakaka-miss nga ang mga naging kaklase ko nung haysul: sina Von, Andres Tope, Dalida, Ikang, ang crush ko na si Diane, si Nelsie na nasa Saudi na ngayon, si Heart Queen, ang mortal enemy kong si Mitch, Ronalyn, Dineros sisters, si Kap Rey, Emer, Rollen, Adet, Niño, Albert, Mcdo, Efril, Renan, Ana Mae, Renton, Jewelyn in the Palace, Jackilou, Charlina, ang sanggang-dikit na si Ervin at Narce, Christine, Pearl, Mariene, Raquim, Ruel, Johnly, Rannie, Jayson, Jose, Jhonnel at lahat ng mga taong bumuo ng hayskul layf ko.
Matapos ang simpleng tanghaliang pinagarbo ng saya ay sabay-sabay din ihahakbang ang mga paang kung hindi balot ng alikabok ay balot naman ng putik.
Muling papasok sa silid aralan upang makinig at matuto. Nakakatuwa nga mag-aral. Papasok ka sa kwartong may alam, paglabas mo'y may dagdag ka na namang kaalaman.
Matututunan mong pwede ka palang magkaroon ng sariling eroplano basta may papel ka. At pwede mo itong paliparin kahit walang gasolina at nakatalikod ang iyong guro.
Matutunan mo na pwede palang magtulungan ang bawat isa... lalo na kung may surprise quiz sa Araling Panlipunan at M.A.P.E.H.
Matututunan mong pwede palang maging sandata ang trush can kapag wala ka nang maisip na maibato sa mortal enemy mo.
Matututunan mong sa sobrang talino ng mga estudyante ay nagmumukha nang kwaderno ang mga upuan sa dami ng nakasulat na "I LOVE YOU", "ANG GANDA NI...", "CRUSH KO SI..", "BAKLA SI..." at "SUPOT SI...". Idagdag pa ang naka-sulat na F.L.A.M.E.S. at ang naka-sulat na "BAWAL MAGSULAT SA UPUANG ITO!"
Matututunan mong nakakapagpatalino ang patagong paglaro ng S.O.S. sa tuwing hindi mo na maintindihan ang tinuturo ng inyong guro tungkol sa periodic table of elements at multiplication table.
Matututunan mong pwede palang lumipad ang chalk ng titser mo at maging landingan nito ang iyong nagmamalapad na noo sa kapag nahuli ka nyang nakikipagdaldalan sa oras ng klase.
Matututunan mong umupo sa pinakadulong upuan para hindi mahalata ng guro na lumalamon ka ng Dingdong, Happy, Moby at Dragon Seed.
Matutunan mong may talento ka pala dahil bukod sa qoutes at lyrics ng kanta ay napupuno rin ang kwaderno mo ng drawing ng anime na matututunan mong hindi naman pala mukhang drawing.
At higit sa lahat ay matututunan mong maka-survive ka man sa isang araw ng pagtatangkang may matutunan ay may mga susunod pang araw na kailangan mong magtangkang matuto. At ang mga araw na iyon ay tinatawag kong HABANG BUHAY.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...