Part 7-Bwesit na Slumnote Yan!!!

156 6 0
                                    


Ngunit ang hinding hindi ko talaga makakalimutang yugto ng hayskul layf ko ay ang patawan kami ng aming guro ng obligasyon na gumawa ng isang slum note. Napabusangot ako nang marinig ang anunsyo. Pakiramdam ko talaga'y pambabae lang ang ganung bagay. Ngunit dahil kailangan ito upang hindi bumaba ang grado ay napilitan kami... tama. Napilitan ang lahat ng mga solidong lalaki. Yung mga Beki Belo at mga paminta na dapat ay sangkap ng adobo ay tuwang tuwa naman. Mga bruha!

Ilang taon na ang lumipas. Naghiwalay na ang aming mga landas. Ang iba ay pinapahirapan parin ni Kapalaran, ang ilan ay asawa't mga anak na, ang iba'y nananatiling malamig ang buhay pag-ibig, ang iba'y maganda na ang estado ng buhay, ang iba'y nasa ibang bansa na't tinuturing ko nang isa sa mga bayani ng lipunan, ang ibang simple pero masaya ang buhay. Na-miss ko yung crush ko, nagkabati na kami ng mortal enemy ko, muli nang nagkasalubong ang landas ng grupong JVNJr.

Naghahalungkat ako ng mga papel sa aking baul upang ilipat sa mas akmang lalagyan nang may nakita akong kwaderno na kailan ma'y hindi ko inaasahang makikita ko ulit. Ang kwaderno na minsang sumira sa pagkalalaki ng mga maskuladong Batch 2009 ng PCINHS. Ang kwadernong minsang naging bangungot. Bangungot na tinawag naming SLUM NOTE. Kaya lang sira na ito, pinagtulungang kainin ng daga, ipis at anay. Ilang letra nalang ang mababasa, malabo pa dahil nabasa nung inatake ang Pilipinas ng lintik na si Yolanda. Pero kung bibigyan muli ako ng isa pangpagkakataong gumawa ng bagong slumnote ay maluwag sa puso kong tatanggapin.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon