Bakit pa nating pababayaan ang ating sarili na manatili sa dilim kung meron naming lugar na may liwanag? Bakit ba natin pababayaan an gating sarili na tumikim ng masamang lasa ng buhay kung mayroon naming masarap? Bakit pa tayo tatambay sa disyerto kung meron naming paraiso? Bakit pa natin iiwanan ang ating kaluluwa sa impyerno kung pwede mo naman itong akayin papuntang kalangitan? Life is like a matter of choice sabi ng ng karamihan. Kung pinaiyak ka man ng isang tao, mananatili ka bang umiiyak haggang malagutan ka ng hiniga? Wag mong bigyan ng oras ang isang taong wala naming oras sa'yo. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong sumaya at lasapin ang linamnam ng buhay.
Hindi contest ang pagiging tanga kaya wag mo masyadong galingan. Wag mong gawing bisyo ang pagpapakatanga. Pa-promo nga ng mga network na unlimited call, unlimited text at unlimited surfing na unlimited daw ay may limitasyon din, pagpapakatanga pa kaya? Kung hindi ka kikilos upang makalayo sa kalungkutan, mananatili ka sa lugar na yan habang buhay. Kailangan mong mag-move on. Sa una ay siguradong mahirap ngunit sa huli'y maiintindigan mo na ang pag-move-on ay ang pinakamabisang solusyon upang makamtan ang kaligayahan.
Kalimutan mo na ang taong nanloko sa'yo. Hangga't hindi mo iwinawaglit sa iyong isipan ang maling tao, kailan ma'y hindi mo matatagpuan ang tamang tao. Hindi ka ba naaawa sa unan mong sahalip na panis na laway ay gabi-gabi na namamasa dahil sa maalat mong luha? Makonsensya ka naman sa diary at facebook account mo na sobrang stress na dahil puro sama lang ng loob ang isinusulat at pino-post mo.
Kung higit pa sa bilang ng mga daliri mo sa kamay at paa ang beses na niloko ka nya ay hayaan mo sya na maghanap ng iba nyang bibiktimahin. Kung mayroon na syang iba, hayaan mo na. Hindi ka naman bayani upang ipaglaban ang kolokoy na tulad nya. Sa sobrang dami ng kasalanan nya'y mag-isip-isip ka na. Kumbaga sa papel, butas-butas na sa kakabura sa dami ng mga pagkakamali. Hayaan mong basurahan nalang ang makinabang. Pero kung tanga ka talaga, bigyan mo pa sya ulit ng isa pang pagkakataon. Malay mo, baka lokohin ka ulit. Tapos bigyan mo ulit ng isa pang pagkakataon. Malay mo, baka lokohin ka ulit. Tapos bigyan mo ulit ng isa pang pagkakataon.Malay mo, baka lokohin ka ulit.
Madalas na sagot na naririning ko mula sa mga tumatawag sa aking programa noong ako ay disc jockey sa isang radio station ay "Darating din ang tamang tao sa tamang panahon. Hihintayin ko nalang" sa tuwing tinatanong ko sila kung ano ang naiisip nilang gawin pagkatapos nila ibahagi ang problema nila sa pag-ibig. Pero bago sila magsimula ay i-intro ako ng "Sige, kwento ka lang tapos kunwari may pakealam ako."
Nakakabanas. Hindi mo dapat na hintayin ang tamang panahon dahil ang tamang panahon mismo ay hindi ka hinihintay at kailan ma'y hinding hindi ka hihintayin. At mas lalong hindi mo rin dapat na hintayin lang ang tamang tao para sa'yo. Paano kung tulad mo'y hinihintay ka rin nya na tamang tao para sa kanya? Edi nagmukha kayong tanga! Namuti na ang inyong mga mata pati ang buhok nyo sa ulo, kilay, kili-kili at... binti ay hindi parin kayo nagkikita. Paano kung sa kakahintay mo sa kanya ay na-kidnap sya ng mga malalandi at manyak na elemento ng lipunan? Nganga ka na naman? Alam mo namang maraming magnanakaw na tao ngayon. Kahit ang taong nakalaan na ang puso para sa isang tao ay inaagaw pa ng iba. Wallet nga na nasa bulsa mo na, nadudukot pa ng iba. Lupa nga na may titulo naaagaw pa, sya pa kaya na kahit resibo man lang ay wala kang maipakita kapag inangkin na ng iba. Isip-isip ka naman kahit walang time! Ang pagkakataon, minsan lang yan. Pero ang pagsisisi at panghihinayang ay siguradong pangmatagalan.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomansaPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...