Chapter 3

8.5K 240 3
                                    

Chandria's pov
Kusa akong nagising at tamang tama lang gising ko. Laking pagpapasalamat ko dahil kusa na akong nagising, nakakahiya naman kasi pag gigisingin pa ako nila Tita.

*TOK TOK*

Binuksan ko ang pinto at si Tita ang bumungad sakin.

"Omo! You're awake! Magayos ka na at naghihintay na sa iyo ang pagkain, hihihi goodmorning Cha.." ngiting sabi sakin ni Tita. Angganda naman ng umaga ko haaaaay..

"Eomma, why is she staying here?" Tanong ni Darren.

"Just eat there! Andami mong tanong hmpf" pagsasaway ni Tita kay Darren.

"Psh."

Natawa naman ako dahil parang magkapatid lang ang dalawa..

"Darren, neoui hyeongjeege jeonhwahanda"

(Translation: Nasan kuya mo?)

"Upstairs.."

"Tawagin mo dali"

"Tss. Arasseo"

At umakyat si Darren para tawagin nga ang kanyang kuya.

"Tita.. half korean po kayo..?"

"Hahaha hindi iha. Pure kami. E kayo ba? Muka ka kasing koreana sa ganda mo at ng balat mo"

"Mm opo. Pure rin po.. hehe.." hiya kong sabi.

"So naintindihan mo ung sinabe ko kanina may Darren?!" Tuwang sabi ni tita.

"Ne.." tumango naman ako.

(Translation: Ne = yes)

"Omo!!"

"Eomma, ayaw ni hyung kumain pero he's ready for school na"

"Eh? Waeyo? Ang bilis naman niya?"

Nagkibit balikat nalang si Darren.

Kuya? Sino naman kaya tong kuya niya.. nacucurious ako.

"Dom!!!!!" Sigaw na malakas ni tita.

Dom?! Tama ba tong iniisip ko!? Pero impossible ah! Pero possible.. pero sana impossible!

"Dom!!!" Tawag uli ni Tita. Bigla akong may marinig na footsteps sa hagdan.

Gusto ko iyong tignan kaso may pumipigil sakin..

"Waeyo? Eomma." Sabi niya, so tama ako.. siya si Dominic Ace Lee!?

"Aba nakabihis ka na agad? Kumain ka muna dito bago umalis"

"Tss."

At agad siyang pumunta sa kabilang side ng table na kaharap ko lang!

Nanlaki ang mata ko dahil tama nga talaga ako, siya nga si Dom, ang crush ko dati. Angsumira ng araw ko kahapon. Dito siya!? Jusko bakit?!

Nanlaki rin ang mata niya nang makita ako pero nakarecover rin siya agad at kumain.

"Dom, that's Chandria. Anak siya ng matalik naming kaibigan ng papa mo. Magstestay siya dito nang ilang linggo kasi ung papa niya ay busy, eh walang magaasikaso sakanya kaya dumito muna siya"

"Tss. Kaya pala naagaw ang kwarto ni Darren." Sabi ni Dom nang nakatingin sakin na blanko lang.

"Tama! Naagaw ang kwarto ko dahil sayo Chandria. Tss." Pagsusungit ni Darren. Aba may pinagmanahan pala itong batang ito. At nagmana ito sa kuya niyang to!

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon