Chapter 10

6.2K 224 1
                                    

Chandria's pov
Haaaaay, sawakas natapos na rin ang araw na ito, itong nakakapagod na araw na to. Gustong gusto ko nang umuwi at makatulog na! Ayoko nang mag-aral!!!

Pero para ito sa kinabukasan ko eh, sa kinabukasan namin ni Dominic~ hihi

Hala! Ano ba tong pinagiiiisip ko. Muntanga tuloy ako ngayon na magisang ngumingiti. Buti nalang at walang nakakapansin sakin.. huehuehue.

Nagpaalam na ang aming guro at ganun din kami. Pinauna ko na si Chloe dahil naisip kong simabay pauwi kay Dominic.

"Uhm.. Dominic! Puwede ba akong sumabay sa iyo pauwi?" Bulong kong tanong bago pa siya makatayo.

"Huh? Mamaya pa ako uuwe." Wika niya.

"Hala, mga anong oras naman?"

"Hindi ko pa alam, pero mas mabuti pang mauna ka na, gagabihin ako" sabi niya sabay tayo.

"P-pero---"

"Chandria my loveeessss!!!" Napatigil ako ng may tumawag sakin..

Si Jay..

Unti unti ko siyang tinignan na may pekeng ngiti. Nakita ko rin na tinignan ito ni Dominic. Nagkatinginan silang dalawa at parang may napansin akong kuryente na dumadaloy sa kanikanilang tingin..

Anghot...ni Dominic..

Owshh! Shatap Chandria, bat yang iniisip mo huhhh!

Umiwas na si Dominic at tuluyan ng umalis at agad namang lumapit sakin si Jay.

"Hi Chandria my loves~" lumapit siya sakin at kumaway at ngumiti nalang ako.. "tara ihahatid kita tulad ng dati" sasangayon na sana ako nang maalala kong kela Dominic pala ako nakatira!! Shieet!

"H-ha? W-wag na ayos lang ako!" Nauutal kong sabi pero confident. Naalala ko rin na magkasabay kami ni Dominic.. gustu ku siya kasabay huhu

"Hala, ano ka ba Chandria my loves, huwag ka na mahiya oh? Tara na ihahatid na kita my lovesss" sabi niya at bigla niyang kinuha ang bag ko at lumabas na. Wala naman akong nagawa kundi sundan ito.

NANDITO na kami sa may labas nang subdivision, sabi ko nalang sakanya na hanggang dito nalang ako ihatid at buti nalang ay pumayag siya. Gabi na kami nakarating dahil nagyaya pa siya sa kung saan saan, naenjoy ko naman ang paggala kasama siya pero hindi ko siya gusto.

"Ah, salamat ha? Nagenjoy ako dun" masaya kong sabi sakanya.

"Walang anuman, basta ikaw Chandria ko.." masaya niya ring sabi sakin at tuluyan na siyang umalis.

Papasok na sana ako sa subdivision ng maalala kong hindi pala ako dito nakatira! Shocks! Paano ba uli ang papunta kela Dominic?! Hindi ko maalala! Pano na yan!

Ah! Babalik nalang ako sa school! May natitira pa naman akong pamasahe papunta doon. Naalala ko rin na sinabihan ko si Dominic na magsabay kami, sana nalang ay nandun pa siya. Hays! Kailangan kong bilisan!

"PARAAAA!" Sigaw ko kay manong at mabilis na bumaba ng jeep para maabutan si Dominic.

Pumunta ako sa social hall para hintayin siya dun dahil baka hindi pa siya tapos sa ginagawa niya..

Naglaro laro lang ako ng kung ano ano sa phone ko. Nakalipas na ng ilang minuto ay wala parin siya..

Nasan ka na ba..

Dominic's pov
"Im home.." malumanay kong sabi sa mga taong nasa sala. Nandun sila mama at Darren.

Oh, wala pa si Chandria..

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon