Chapter 41

4.9K 160 7
                                    

Chloe's pov
"D-dominic.." napakurap ako ng ilang beses ng makita ko na nakaakbay si Dominic sa katabi niyang babae habang nakatingin kay Chandria.

Im sure na ilang minuto na kaming nagtititigan dito, kahit itong katabi ko na may tape sa bibig.

*sigh* "Tara." Malamig na sabi ni Dominic tapos tumalikod habang naka-akbay parin sa babae.

"Oh. Pero.." lumingon ung babae kay Chandria at winave niya ang kamay niya sa tapat ng mukha ni Chandria. "Uhh ate, okay ka lang?" Tanong niya.

Nakita ko namang napaatras si Chandria at tumango ng dahan dahan.

Hindi siya okay

"Ahh sige, una na kamii bye see you around? Hehe.." masayang sabi ng babae at umalis na rin silang dalawa ni Dominic.

Pumunta ako kay Chandria since hindi pa ata siya nakaka-get over sa scenario na un.

"H-huy.." tawag ko sakanya at pinindot pindot ko ang likod niya

"Ung babaeng un..." tumungo siya.

"Hm..?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Siya si M-misaki.."

"Siya ata ung nasa p-panaginip ko.."

At nanlaki ang mga mata naming dalawa.

Maxwell's pov
WAAAAAAAAAAAA~ tulungan niyo ko. Helpppppp!!!!!!!

Kanina pa akong may tape sa bibig, ung mga students dito pinaguusapan na ko huhu.

Ang sadista kasi ni babe eh~

Kung hindi ka ba naman kasi tumahimik aba.. tama lang yan!

That's my inner conscience, para siyang si Chloe actually.

I sighed. Okay na sana kung may tape wag lang nakalagay na SHUT THE FVCK OFF eh..

Para tuloy akong hindi mahal ni babe..

Ew yuck Maxwell,  you know, being cheesy doesn't suits you at all..

Imaginin niyong si Chloe nagsasabi niyan..

Pero by the way..

Si Dominic pati Misaki ung kanina.. diba?

Hindi ako pwedeng magkamali.

Tama naman ang nakita ko diba

Hindi naman mga mata mo ang may tape Maxwell kundi ang bibig mo lang kaya makikita ko un, stupid.

Ang sama ng konsensya ko.

Pero oo nga si Dominic at Misaki nga. Bakit sila magkasama? Pano sila nagkakilala? Kelan? Saan? Kaano ano nila ang isa't isa? Bakit nakaakbay siya kay Misaki?

At hindi lang pala iyon ang napansin ko..

Bakit hindi naka-jersey ng pang basketball si Dominic?

Misaki's pov
"Ey you, may hindi ka ba sinasabi sakin huh? Dominic Ace Lee? Huhh" pinandilatan ko siya ng mga mata ko kase something is not right here.

Oh btw nasa starbucks kami sa sobrang yaman kasi netong Dominic na to nagpalibre siya saken ng starbucks.

Oh well, pasalamat siya at love ko siya.

"Jeez Saki, stop asking." Irita niyang sabi at sumipsip sa drink niya.

I pouted.

"And will you stop pouting.. its.. its annoying.." sabi niya at tumingin sa malayo.

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon