Chapter 11

6.4K 220 2
                                    

Chandria's pov
Nagdaan ang ilang buwan na puro aral lang inatupag namin. Huwow ano nagulat ba kayo kasi nagaral ang isang Chandria Park?! Bwahaha ginagawa ko lang naman ito para sa kinabukasan, kahit ayoko talaga magaral eh kailangan ko parin ito gawin..

Ngayon ay nandito ako sa kwarto.. nagrereview para sa darating na exam namin sa Monday, at Wednesday na ngayon, ilang araw nalang ay mageexam na kami. Natapos na ang welcome party namin, panandaliang kasiyahan lang kungbaga kase pagtapos nun malapit na ang exam.

Hyaaaaa hindi ko talaga alam ang ginagawa ko ngayon, nagbabasa ako pero walang pumapasok sa utak ko~

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng makakaen sa baba, tahimik na kaya nasisiguro kong tulog na ang lahat.

Pagkababa ko nagulat ako ng may narinig akong bumukas ng pinto at dahan dahan itong sinara.

Napatigil ako sa pagkaen at nagtago sa ilalim ng lamesa kasi baka masamang tao ito!

Narinig ko ang mga yapak nung taong iyon at nasisiguro kong lalaki un dahil mabibigat ito.

Nakita ko ang anino niya papalapit ng papalapit sa lamesa.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng madiin dahil hindi ako handa!! Lalo na may takot ako sa aswang or multo baka hindi to tao ehhh!

"Tss.." narinig ko ito at minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko namang si Dominic lang iyon. Lumuwag ang pakiramdam ko at tuluyan ng lumabas sa ilalim ng lamesa nang mauntog ako doon.

"A-ah!" Napahawak ako sa ulo ko dahil malakas ang pagkauntog ko don.

"Tss. Clutz"

"Paano mo nalaman na nasa ilalim ako ng lamesa" tanong ko habang papaakyat kami. Itinuro niya naman ang hawak ko at tinuro niya ang kusina at nakita ko doon na may mga kalat na chips doon.. napa-"ohw" nalang ako. Ang clutz ko nga talaga! Haaayssh.

"Bat gising ka pa?" Tanong ko sakanya kasi angsabi ni Tita palagi siyang maagang natutulog, eh 1am na ng madaling araw eh!!

"Hindi ko alam.. eh ikaw?"

"Nagrereview ako para sa darating na exam.."

Natawa siya ng mahina. "Oh? Uso pala sayo un? Ang isang Chandria Park nagrereview? Pffft." Tawatawa niyang sabe.

Aba! Ano naman kung nagrereview ako ! Bago lang ba un?! Uhh. Sabagay ngayon nalang din naman ako nagreview.. huehue

"Nu tinatawa tawa mo jan! Palibhasa kasi ikaw hindi na kailangan mag review kase matalino ka na! Hmpf! Hindi man lang ikaw naghihirap samantalang ako hirap na hirap na!!" Sigaw ko sakanya at bumalik na sa kwarto ko at nilock un. Aish! Kainis siya! Angyabang niya! Purkit nuknukan siyang katalinuhan! Hays!! Naloloka ak---

*TOK TOK*

"Tutulungan kitang magreview." Nanlaki ang mga mata ko at lumawak ang ngiti ko! "Pero.." ay yun lang. Tinaasan ko siya ng kilay at nagtaka ako kung bakit niya inilahad ang kamay niya..

Homagaad!! May gusto ba siyang ipakita sakin?! Gusto niya ba akong hawakan?! An---

"Hindi ito gaya ng iniisip mo" napabuntong hinga siya at napanguso naman ako.

"Oh eh ano ba kase yan!" Sigaw ko pero hindi naman gaanong kalakas.

"Yung.. picture.. na binigay.. sayo ni mama..." Napaisip ako sa sinabe niya.. Ah! Ung picture na un! Ahahaha tawa ako ng tawa nang makita ko iyon. Pano ba naman kase ay nakasuot siya ng pangprinsesang damit at mahaba pa ang kanyang buhok! Mukha tuloy siyang babae!
"Hoy" napatigil ako sa pagiisip ng nag-hoy siya. Pshh.

Inirapan ko nalang siya at pinapasok sa loob ng kwarto.

"Tsaka ko na ibibigay yon sayo pag nakapasa ako sa exam!" Sigaw ko at bumalik sa pagbabasa ko ng libro.

"As if na papasa ka.." bulong niya na narinig ko naman!

"Ano?! May sinasabe ka----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mapatid ako at napadapa sa ibabaw niya..

Nanliit ang kanyang mga mata at..

"One.. aalis ka dito.."

Nagtaka ako, bat siya nagbibilang?..

"Two.. ako ang aalis.."

"Three.. mananatili tayong gani--" hindi ko na siya pinatapos dahil agad agad na akong umalis sa ibabaw niya.

Ayeeee!! Bakiiiittt?! Anginit init ng pisngi ko ngayonnn nakakahiya kasi baka muka na akong kamatis sa sobrang pulaaa!

"A-ano b-b-bang ginagawa mo d-dito!?" Utalutak kong sigaw. Shiet bat ngayon ka pa nautal. Umupo siya sa kama at tumingin sakin ng nakataas ang kilay.

"Gaya ng sabi ko kanina tutulungan kitang magaral kapalit ng pagbalik mo sakin ng litrato ko.." napaisip ako kung magpapatulong ba ako o hinde.. hmmm.. do it na Chandria! Makakasama mo si Dominic oh! Ops! Makakasama ko cia kase tuturuan niya ako hindi makipaglandian. Err.

"Fine. Deal. Simula ngayon ay tuturuan mo na ako, at dapat makapasok ako sa honors! At pagnagtagumpay ako, ay ibabalik ko itong litrato mo." Tumango siya sakin at nilahad ko ang kamay ko. Nagulat ako ng ilahad ko yon. Ohmyy, too much Chandria! Too much. Babawiin ko sana iyon nang hawakan niya ito agad na namula ang mga pisngi ko at ngumiti.

"Tss. Tuturuan muna kita ngayon ng isang oras dahil kailangan na nating matulog. May pasok pa bukas." Tumango nalang ako at lumapit na siya sakin at sinimulan ang turuan.

"Hmm.." ano ba naman yan.. ganda ganda ng tulog ko gigising gising ako hmpf.

T-teka.. nasan ako? Bat ako nasa gubat, hala baka aswang na ko!

"Pero ang ganda ng gubat na to huh, sosyalen.. hihi" naglakad lakad ako dahil napakaganda ng paligid. Anggaganda ng mga puno at may mga nagsisiliparan na paro-paro sa paligid at kumikintab kintab ang mga bulaklak..

Haha nakakatuwa naman dito. Angkukulay ng paligid!

"Oh! Angganda ng paro-parong yon!" Namangha ako dahil nakakita ako ng isang violet na paru-paro kasama neto ang isang black na paru-paro.

Ang ganda nila.. lalo na ung violet dahil paborito ko itong kulay..

Lumipad papalapit sakin ung paru-paro at umikot ikot sakin. Natuwa ako don at ng matapos silang umikot ay sinundan ko sila kung saan man sila pupunta.

Sinundan ko sila hanggang sa makakita ako ng napakaganda at makintab na waterfalls!

Namangha ako dun ng sobra at nakita ko namang may nakaupo sa may bato.

Nakaputi ito at unti unting tumingin sakin at ngumiti.

Omoo!!! Dominic!

Lumapit ito sakin at hinila ang aking kamay. Hindi ako makapaniwala! Si Dominic ba talaga ito?!

Napunta kami sa tubig. Lumusong kami don at wala kaming pake kung mabasa ang suot namin.

Masaya kaming naligo don ng mga ilang oras at umahon na..

"Ang ganda mo.." mahina niyang sabi ngunit narinig ko! Mabilis na namula ang mga pisngi ko at mabilis rin akong kinilig!

Ngumiti siya sakin at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko..

Halaaaa sana this time totoo na!

Okay okay chill..

Here come's my first ki----

"Chandria~ iha gising na hihi"

-----------------------------------------------------------

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon