Chapter 16

5.8K 218 2
                                    

Chandria's pov
Haayyyy salamat at nakauwi rin! Jusko gustong gusto ko nang umuwi at magpakain sa lupa dahil sa nangyari kanina! Haysshhhh.

Makaligo na nga..

30 mins later..

"Huluh, nasan na ba ung bra ko?! Pati underwear!?" Sigaw ko dahil nawawala ang magkapares kong underwear at bra ko eh kanina hawak hawak ko lang un!

Tahimik kong binuksan ang pinto ng banyo para makita ko kung may tao sa labas, dahil kung wala ay dederetso ako sa kwarto para dun nalang magbihis..

Nang sumilip ako ay agad kong nakita ang isang kamay na may hawak ng bra at underwear ko..

"Pakalatkalat dito Chandria." Sabi ni Dominic habang hawakhawak ang mga ito.

"A-akin na nga yan!!" Lumabas ako ng banyo at kinuha ang hawak niya. "Psh... Bakit ngayon mo lang binigay! Kanina ko pa to hinahanap noh!" Sigaw ko sakanya.

"Malay ko bang iyo yan? Malay ko bang nagamit ka ng bra eh mukhang wala naman kakapitan. Tss" pangangasar niya nanaman!

"A-ano!? Walang kakapitan?!" Sigaw ko sakanya at tinakpan ang dibdib ko.. huhuhu ganun ba talaga ka-flat ang dibdib ko...!! "M-meron naman k-kahit papano nuh.. tss.." bulong ko na ikinatawa niya nalang.

"Ay jusko kayong mga bata kayo!" Gulat na sabi ni Tito Daniel. At nanlaki ang mata ko habang si Dominic naman ay naka poker face lang. "Angbabata niyo pa huh, magpakasal muna kayo bago yan. Dominic huh..." Ewan ko ba kung naiinis itong si Tito o nangangasar basta dumeretso na ako sa kwarto dahil sa kahihiyan..

"Hays.. sira ulo talaga ung lalaking un.. ano daw?! Walang kakapitan?! M-meron naman kahit papanu noh! Grabe siya minamaliit niya ung ano ko! Hmpff!" Sabi ko sa sarili ko at wala na akong ginawa kundi matulala hanggang sa makatulog ako..

***

"HOY, gising na Chandria"

"Mmmm.. sandali lang naman pa.. maaga pa naman ata ..."

"Anong papa?"

Minulat ko ang nga mata ko at bumungad sakin ang isang napakagwapong nilalang..

"Si Dominic to, ano bang nginingiti mo jan, gumising ka na nga, tss" suway niya sakin kaya naman nawala ang ngiti ko.

"Psh. Ano ba! Ang aga aga pa Dominic! Tss bat mo ba ako ginigising!" Reklamo ko sakanya kasi hindi ako sanay gisingin. Hindi naman kasi ako ginigising ni Tita kasi nagigising ako ng kusa, minsan lang ako gisingin kung talagang late na ako.

"Anong aga? Late na ako Chandria at na-late ako nang dahil sa katagalan mong magiseng!" Bulalas niya sakin at tinignan ko naman ang alarm clock ko, 7:05 am na! Agad akong napabangon atnderederetso sa banyo.

After 5 mins.

"Okay na, tapos na, tara na late na tayo!" Yaya ko kay Dominic na ngayon ay nakain ng breakfast. "WOW Dominic, nagawa mo pang kumain eh late na nga tayo!!" Sigaw ko sakanya, what totoo naman! Tinaasan niya ako ng kilay at nilagay ang tingin niya sa wall clock nila at sumunod naman ang tingin ko don.

Nanlaki ang mata ko dahil 6:20 am palang!? Naka nganga akong tumingin sakanya at nakangiti lang siya ng nakakaloko habang ngumunguya.

"Ang dali mo talagang utuin. Marami pa tayong oras, ayusin mo na muna ang sarili mo.. hahaha" pangangasar niya sakin at dabog akong umakyat at malakas kong sinarado ang pinto.

Hrrr! Ung lokong yon! Hanggang kailan niya ba ako titigilan huhh! Kainis siya!!

Sabi ng isipan ko habang inaayos ang magulo kong buhok.

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon