Chandria's pov
"Chandria.. wake up" uhh ansakit ng katawan ko.. at gosh inaantok pa ko huhu.Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si mama habang nakangiti at ginigising ako.
"Goodmorning anak, magready ka na and bumaba para sa breakfast okay? Bilisan mo baka ma-late ka, loveyou" sabi niya sakin at kiniss ako sa noo.
"Yes ma, loveyou too"
Ngumiti siya sakin bago umalis. Hayy nakakapagod ansakit ng katawan ko talaga. Pero psh it's Monday kaya kelangan kong pumasok.
Oh nga pala, nakaalis na kami sa bahay nila Dominic, well of course kelangan na naming umalis dun, nakakahiya na kasi. Nung una halos mangiyak ngiyak si Tita Daisy kasi aalis na kami sa bahay nila at sinasabi na okay lang na kahit dun kami tumira pero ciempre nahihiya kami and may sarili rin kaming bahay kaya umalis nalang kami
Pati ako ayoko umalis kasi hindi ko na siya makikita araw araw..
Aish Chandria, ano ba yang iniisip mo? Duh so what kung hindi mo siya makita araw araw diba? Akala ko ba kakalimutan mo na siya..
Huhu mahirap kasi eh..
Hay nako ayan nanaman ang puso at utak kong nagaaway. Tsktsktsk.
Ilang minuto ang nakalipas at natapos narin akong magayos kaya naman bumaba na ako.
Bumungad sakin sila mama at papa na nakaupo habang kumakain.
"Oh, halika na, kumain ka na dito" yaya sakin ni mama at nginitian ko naman siya. "Okay ka lang ba? Parang angtamlay mo anak?" Biglang tanong ni mama.
"Uhh.. medyo masakit lang po ung katawan ko pero okay lang po jaya ko naman pong pumasok hehe"
"Sure ka ba jan anak? Pwede naman kita ipaalam sa mga teacher mo sa school"
"Wag na po ma, ayos na po talaga ako hihi"
"Besides, gusto niyang makita si *coughs* Dominic *coughs*" biglang sabi ni papa sakin na ikinalaki ng mata ko.
"Waaaaaaa!! Ano ba yan papa huhu anong si Dominic!!" Sigaw ko na parang bata. Huhu papa naman e.. nagmomove on na nga ako e..
"Ahahaha ano ka ba naman hon, wag mo naman asarin ang anak natin napaghahalataan eh hahaha" tawa naman ni mama.
"Waaaaa mama ikaw rin huhu grabe kayuu" sabe ko naman.
"You're blushing!!!" Sabay nilang sabi.
"Hayyys ewan ko sainyo huhu alis na po ako bye ma bye pa" sabe ki naman at kumiss sa kanilang pisngi.
"Magiingat ka anak"
"Ingat."
So kasalukuyang naglalakad ako papuntang school. And hays sa totoo lang na-miss ko na agad si Dominic na kasabay ko palagi sa pagpasok pati paguwi..
Kalimutan mo na kasii!!!!
Hays.. di naman kasi ganun kadal--
"Anong nginunguso mo jan" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Dominic sa tabi ko.
Tadhana nga naman!!
"A-ah ikaw pala.." waaaa bat ka ba umuutal Chandria!! "Anong ginagawa m-mo dito?" Tanong ki sakanya at pinagpatuloy ang paglalakad ko.
"Tss papasok malamang ayan na ang gate ng school oh" sabe niya.
"O-oh.. oo nga hehe.. sige.. una na ko"
Ganyang nga.. iwasan mo nalang..
Pahakbang na ako ng hawakan niya ang balikat ko. Shiett that kuryente feeling..
"M-may problema ba tayo?"
Dominic's pov
"M-may problema ba tayo?" Tsk. Bat ka nauutal Dominic! Relax lang tsk.Pero bakit naman parang iniiwasan niya ko.. sinabayan ko talaga siya papunta diti sa school sabay di niya ko papansinin. Geez.
"Uhh.. wala naman Dominic. B-bakit gusto mo ba akong kasabay?" Sabi niya sakin na ikinaliwanag naman ng mukha niya.
Yes.
"Ahh.. n-no.. pinapasabe lang ni m-mom na salamat daw kasi binigyan mo ng saya ung bahay namin at sa pagsama samin. And sana w-wag ka ng bumalik dun sabe ko.. that's all.." sabe ko naman at nagpauna ng naglakad.
Pero lumingon muna ako sakanya ng saglit at nakita kong nakatungo lang siya.
Damn you Dominic.
Chandria's pov
Wala siyang pake sayo Chandria huhu kaya kung ako sayo kakalimutan ko na siya..Tama. Kakalimutan na kita Dominic.. dahil pag pinatagal ko pa itong nararamdaman ko.. baka mas lumala ung sakit.
So naglalakad nalang ako sa hallway patungo sa classroom.
Andun na sila Chloe, Maxwell at Dominic.
Napansin kong nasa ibang upuan si Dominic at nagbabasa ito ng libro.
Habang sila Chloe at Maxwell ay nagkwekwentuhan.
Tong mga to psh.. lampureber uy.
"Chlo--- aww" hindi natuloy ang pagtawag ko kay Chloe ng may bumangga sa likod ko.
"S-sorry miss.. hindi ko sinasadya." Tumingala ako sa nagsalita at ohh.. medyo pogi siya.. waaaa Chandria eraseee.
"A-ah ayos lang.." sabe ko na akmang tatayo na ako ng inilahan niya ang kamay niya.
Ngumiti siya sakin at ganun din ako sabay inabot ang kamay niya para makatayo ako.
"Salamat.."
"No problem. Sorry uli ha?"
"Wala un.."
"Uhm.. Im.. Im Matthew. Ikaw si Chandria, right?" O-oh..
"Yea a-ako nga."
"Well nice meeting you Chandria. Maganda at mabait ka nga talaga hehe" sabe nya sakin at inilahan niya uli ang kamay niya.
"U-uh nice meeting you rin.. uhm pano una na ko ha" sabi ko at pumasok na ng tuluyan sa classroom.
Nadaanan ko si Dominic. Sa likod kasi siya nakaupo. At nakita ko na nakatingin siya sa direksyon namin ni Matthew kanina.. bakit kaya.. aish kung ano ano nanaman pinagiiisip ko hays.
"Huy bakla ka nakita ko un ha. Sino yon huh? Bago mong bebe? Kala ko ba Dominic ka lang" sabe agad sakin ni Chloe.
"Haha baliw ka talaga. Nabangga niya lang ako kanina then nagpakilala ganun.."
"Sus e bakit namumula ka" sabi ni Maxwell.
"W-what??" Sabe ko sabay hawak sa pisngi ko.
"Yiiiiii!!!!!" Sabe nilang dalawa
"Silence students!!!!!" Sabe samen ng teacher naming dumating. So pa ba? Makikinig na ako sa lesson namin .
Waw makikinig daw.. huehue.
Dominic's pov
Tsk. At sino ka nanaman ba. Ngayon lang kita nakilala..Wag kang haharang harang sa dinadaanan ko kung ayaw mong mabunggo kita..
Matt.
****
BINABASA MO ANG
Mr. Cold meets Ms. Kulit
Teen FictionKaya mo ba'ng ma-inlove sa ka-opposite ng ugali mo? Isang babae na pasaway, hindi matalino, maingay in short M A K U L I T , mai-inlove lamang sa isang lalaki na snobber, matalino, tahimik, in short C O L D Will Ms. Kulit melt Mr. Cold's icy heart?