Chapter 44

5.3K 175 4
                                    

Misaki's pov
May narinig akong humihikbi malapit sa entrance, at dahil sa super curious ko lumapit ako dun.

"Hays..." nakita  ko si Kuyamg manlilibre kanina na naka-upo lang habang nakatingin sa labas at pinahid ang luha niya.

Tumingin pa ko sa paligid kase baka may iba pang tao dito na humihikbi kaso wala, siya pala un. Ilang minuti ko rin siyang pinagmasdan.

Grabe wala ba siyang balak umalis?

Naulan parin pala..

Kinuha ko ang panyo ko at nagsimula ng maglakad.

"Oh.." tumabi ako sakanya at inilahad ang panyo kong pink. Tinignan niya lang un, nag-pout ako. "Gamitin mo yan pang pahid ng mga luha mo psh.." sabi ko at umupo rin.

Tinanggap niya iyon at pinahid ang mga luha niya gamit ang panyo ko, parang may mali ah?

"Parang baliktad ah?" Napatingin ako sakanya nang magsalita siya "Dapat ako ung nagbibigay ng panyo sa babae eh, tulad ng mga nasa dramas.." sabi niya habang nakatingin sakin at ngumiti.

Alam mo, maganda yung ngiti niya, kaso kahit ano pang ngiti niya makikita ko parin ang sakit na nararamdaman niya.

"Oh well wala naman tayo sa drama kaya it doesn't matter kung sino nagbigay psh.." sabe ko while pouting.

"Oh jeez, may pagka-suplada ka rin pala, akala ko cute ka lang." Sabe niya pa.

Ewan ko ba kung magagalit ako dahil sa sinabihan niya ako ng suplada o matutuwa dahil sinabihan niya ako ng cute.

"Whatever." Tumingin ako sakanya habang nakatingin siya sa malayo. I see pain in his eyes.

"B-bakit ka ba umiiyak?" Tanong ko sakanya. Ugh, why am I even asking him this, we're not even close or friends. "N-nevermind.."

"Anghirap kasi.." napalingon ako sakanya ng magsalita siya. "Anghirap mag-palaya, alam mo un?"

"What do you mean?"

"Naalala mo na ako ung kasagutan ni Dominic nung isang araw?"

Napa-isip ako at naalala ko naman ung araw na un. Narinig ko lahat ng pinag-usapan nila.

"A-ahh oo.." sumangayon ako sa sinabi niya dahil alam ko ang nararamdaman niya. "I feel you hehe.."

"Oh well, tayo ang mga sawi! Haha" tawa pa niyang sabi. "Minsan na nga lang ako ma-inlove, ganito pa.."

"K-kahit ako e.."

"Kanino ba?"

"Kay Minic."

Matthew's pov
"Kay Minic"

Nanlaki ang mga mata ko dahim sa sinabi niya at dahil sa nakita ko ang pagsabay ng patak ng mga luha nya.

"H-hey.. w-wag ka nga umiyak.." sabe ko sakanya, hindi pa naman ako marunong mag-comfort ng isang tao. I mean im trying pero satingin ko naman hindi siya nagwo-work.

"So ikaw lang may karapatang umiyak? Psh.. akin na nga panyo ko!" Sigaw niya sakin at napakunot ako.

"Bakit!?" Tanong ko naman sakanya at inilayo ung panyo

"So ngayon naman ikaw lang ang may karapatang magpanyo!? And fyi it's mine!!" Parang bata niyang sabi.

"Oh.." napa-oh ako kase sakanya pala un hehe. I forgot.

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon