Chloe's pov
Oh-em! Bakit nandito ka Maxwell!?"Anong nangyare" seryosong tanong samin ni Maxwell. Ayaw niya kasing napapaaway ako kahit na alam niyang kayang kaya ko.
"Uh--"
"Anong nangyare" biglang tanong ng nasa likod niya. Omo! Dominic.
"N-natapunan lang.." pagpapalusot ko.
"Ah o-oo! Natapunan l-lang kami" sangayon ni Cha sa pagpapalusot ko.
Lumapit sakin si Maxwell. Deretso lang siyang nakatingin sakin. Binaba niya ang kanyang ulo para pumantay ang ulo namin.
Nilingon ko si Chandria ngunit naka tingin lang din siya kay Dominic.
A-ano bang ginagawa mo M-maxwell..
Tinignan niya ang mukha ko at naningkit ang mata niya.
"Bakit namumula ang pisngi mo?"
Namumula?! Eh hindi naman ako nasampal o nahampas kanina ah? Bakit ako namumula?!
"At bakit magulo ang iyong buhok" malamig o seryoso niyang tanong sakin habang inaayos ang aking buhok at pinunasan iyon.
*DUG DUG* *DUG DUG*
Abnormal kang puso ka!
"Tara." Seryosong sabi niya at hindi naman ako nakapagsalita dahil tuluyan niya akong hinila. Nilingon lingon ko si Chandria at nagtititigan parin sila ni Dom.
San nanaman ako dadalhin neto?!
Chandria's pov
"D-dominic.." uutal utal kong sabi ng pangalan niya dahil kinakabahan ako at baka nakita niya ang nangyare kanina.."Oh." Tanging sagot niya lamang.
"Anong g-ginagawa mo dito.."
"Ah, napadaan lang ako at nakasalubong ka."
"G-ganun ba.. o-osige.." lumuwag ang aking pakiramdam na buti natapos na ang nangyre kanina bago pa siya dumaan.
Akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Teka. Hindi mo pa naisasagot ang tanong ko" kinilabutan ako sa tanong niya! At naisip ko ang palusot na ginawa ni Chloe.
"Gaya ng sinabi ni C-chloe.. natapunan.. hehe!" Pekeng ngiti at tawa ko.
Lumapit siya sakin at inangat ang isa kong braso at nakita niyang may kalmot doon.
"Ano nangyare, dito" turo niya sa kalmot ko.
Hwat?! May kalmot ako?! Bakit hindi ko man lang ito naramdaman? Kung hindi pa nakita ito ni Dominic siguro hindi ko rin ito malalaman.
"A-ah.."
"Huwag kang magdahilan na kinalmot iyan ng pusa dahil hindi naman nagpapapasok ang guard ng mga hayop"
Eh? Kung hinde pano nakapasok sila Angel!
"Nakalmot lang ng kakilala ko.. h-hindi niya naman sinasadya.. m-mahaba kasi ang mga kuko niya eh.." pagpapalusot ko muli.
"Hintayin mo ko dito. Bibili lang ako"
Nanlaki ang mata ko ng papasok na siya ng canteen!
"T-teka!!" Hindi ko na siya napigilan dahil tuluyan na siyang nakapasok.
Shiet! Magulo don sa loob! At andun pa ang mga napatumba namin ni Chloe! Magtataka siya at marami siyang itatanong sakin!
"Oh." Abot niya sakin ng isang strawberry milk. My faaavvv~
BINABASA MO ANG
Mr. Cold meets Ms. Kulit
Teen FictionKaya mo ba'ng ma-inlove sa ka-opposite ng ugali mo? Isang babae na pasaway, hindi matalino, maingay in short M A K U L I T , mai-inlove lamang sa isang lalaki na snobber, matalino, tahimik, in short C O L D Will Ms. Kulit melt Mr. Cold's icy heart?