Chandria's pov
"Chandria.. gising na.." h-huh. Sink ba tong kutong lupang nagising saken... bakit familiar boses niya.. "Hey.. iniintay na tayo.." argh! Hindi ko mapigilang imulat ang mga mata ko dahil sa boses na yan dagdag mo pa ung soft voice nya!"Good morning babe~" nakangiti kong sabi at hinawakan ang mukha niya. Kyahh ang pogi pogi talaga ni Dominic!!
"Anong 'babe' !!"
"What...."
"Gaga ka ba si Chloe to! Bangag ka ba ha! Ha! Sinong babe huh! Sira ulo ka ba!" Sigaw sakin netong nasa harap ko. Bilis kong binawi ang kamay kong nakahawak sa mukha nya at lumayo ng unti..
Huhuhu ayaw niya kasing hinahawakan mukha niya.. Im doomedddddddd.
"A-ahhy.. i-ikaw pala.." hiya kong sabe "Eh bat mo naman ba kase ako ginigiseng!!!" Sabay sigaw.
"Eh sa inutusan ako e!!! Bat ba kase antagal tagal mong magiseng!!!"
"Bat kase i-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pumasok si Dominic.. ng nakatopless..
B-bat parang umiinit dito..
"Bilisan niyo. Kayo nalang hinihintay" cold niyang sabi at lumabas na.
Angcold niya pero hot at the same time!
"O narinig mo ba yon? Tara na bakla" yaya saken ni Chloe.
"S-sige na mauuna ka na dun susunod ako.."
"Oh sge basta sumunod ka ha! Magayos ka! Kadiri ka may panis ka pang laway ewww!! Wahahahaha!" Malakas niyang tawa at umalis
Lumaki agad ang mga mata ko at napahawak sa labi ko.
Homayghad!!! Nakita ako ni Dominic!! Ng ganito mukha ko!! Shems nakakahiya!!
***
"Oh! Chandria you're here! Perfect timing kakatapos lang namin magluto ng mama mo ng breakfast."
"H-hehe.. ambango naman po hehe.."
"Osyasya let's eat!! Dominic call your brother uli"
Tumango si Dominic at bumalik sa resthouse at kami naman ni Chloe ay umupo na at nagkwentuhan.
Darren's pov
"Psh.. ano ba naman yan! Angboring dito! Nasa beach ka nga pero bawal ka naman magswimming!! Mas gusto kong magstay sa bahay!!!!" Sigaw ko, besides ako lang naman magisa dito sa resthouse and malayo naman sila eomma dito kaya I dont mind screaming."Yaaaaaaa!!!! Ayoko na--" naputol ang pagsigaw ko ng dumating si Kuya
"Woi ano bang pinagsisisigaw mo jan? Diba sabi ko pumunta ka na dun? Alam mo ba kung gano kapagod bumalik balik huh. Tss tara na"
"Psh fine." Sabe ko nalang. Yea ganyan talaga si Kuya. Cold talaga siya. Simula nung pinanganak ako ganyan na cia kaya naman madaming nagsasabing bukod sa kagwapuhan niya namana ko rin ang katalinuhan at kasungitan niya.
Sana lang hindi sila magkatuluyan ng Chandria na un cuz hrrr I dont like her!! Para bang ang suspicious niya. Feeling ko may tinatago ang pamilya niya samin..
"OYYY KAYONG DALAWA JAAANNN!!!!! BILISAN NIYO NA DAWWWW!!!!" speaking of the d. Anglakas lakas talaga ng sigaw niya at angkulit kulit, isa pa sa mga rason kung bakit ayaw ko sakanya! Ayoko madagdagan ng makulit sa bahay, dapat si mommy lang!
Charlotte's pov
Sa wakas at nakapiling ko na ngayon ang anak ko.. angtagal tagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito..Flashback..
"Hon.." paggising ko sa asawa ko.. "Hon, parang may tao sa baba.."
"Wala lang yan hon.. itulog mo nalang yan.."
"Hindi eh.. masama ang kutob ko at alam mong tuwing masama ang kutob ko nay masama talagang nangyayari.."
"Hays.. osige tignan natin.."
Sumilip muna kaming dalawa sa kwarto ni Hell at natutulog naman siya doon ng mahimbing..
Kaya naman nagpasya kaming bumaba..
Umuna akong bumaba kase sa totoo lang mas matapang pa ako sa asawa ko ahaha..
Pagkababa ko sa taas naman kami nakarinig ng ingay
"Hon kunin mo si Hell, bilis!" Bulong ko sakanya at umakyat naman na siya. Hindi ako natatakot dahil marunong naman ako makipaglaban at lumaki ako ng lumalaban.
Binuksan ko ang ilaw at wala akong nadatnang tao sa baba at maayos naman ang nga gamit sa baba ngunit nakaiwang nakabukas ang pinto.
"HON!! SI CHARNHELL KINUHA NILA!" napatigil ako sa paglalakad ng isigaw niya iyon at tumakbo nalang ako palabas. Pagkalabas ko nakita kong karga nila ang anak ko!!
"IBIGAY NIYO ANG ANAK KO!!!" sigaw ko at sumugod sakanila. Lima silang lahat ung dalawa ay nasa likod ko at nasa harap habang ung isa ay karga karga ang anak kong walang malay.
Sinipa ko ang nasa likod ko dahil akma niya akong sasaksakin sa likod at sinunod ko naman ang isa. Napabagsak ko na ang dalawa at itong dalawa nalang sa harap.
Hindi naman sila ganon kalakas kaya napatumba ko sila agad
"Ibigay mo ang anak ko" seryoso kong sabi sa may karga ng anak ko.
Inilagay niya si Hell sa kotse at nakipaglaban siya sakin.
Malakas ang isang to..
"Sana nakinig ka nalang sakin dati." Seryosong sabi ng nakamaskara at dahil dun naging pamilyar ang kanyang boses..
Natigilan ako dun kaya naman may sinaksak siya sakin na may lamang asul na likido..
Biglang umikot na ang paligid sabay natumba ako sa hilo at nakita ko ang asawa ko na binaril ang lalaking nakamaskara..
"S-si Hell.."
"P-pero hon pano ka..?"
"Kunin mo na siya.. magpakalayo kayo.. p-parating na ang i-iba nilang k-kasama.. utang na loob kailangan niyong maligtas.."
"Ayun sila! Kunin niyo sila! Bilis!!" Sigaw nung isa kaya naman mabilis na kinuha ng asawa ko ang susi dun sa lalaking nakamaskara at pinaharurot niya ang kotse..
Ganyan nga.. iligtas mo ang anak natin Hon.. alam kong kaya mo yan..
"ASAN NA SI HELL!!!!" sigaw sakin ng matandang lalaki.. si Dem.. or should I say 'Dad'.. "KAILANGAN NIYANG MAMATAY!!! KINUHA NIYA ANG PUSO NG DAPAT NA SA APO KO!! WALANG HIYA KAYO!!" sigaw niya sakin habang nakahawak sa kwelyo ko at sinampal ako ng malakas.
Ganto.. ganto ang galit sakin ni Dem dahil isa akong ampon sa pamilya nila.. bata pa lang ako gustong gusto niya na aking itakwil sa bahay nila ngunit gustong gusto ako ni Angelique or mom.. pero nung 18 na ako dun namatay si Mommy kaya naman itinakwil na ako agad ni Dem..
May sakit kasi ang anak kong si Charnhell. May sakit siya sa puso at mahina na ito kaya kailangan niya ng heart donor. Nagkataon namang may sakit din sa puso ang apo ni Dem.. naunahan namin siya at kami ang napiling bigyan ng puso kaya naman si Hell ang nabuhay ewan ko lang kung nabuhay pa ung apo niya..
Flashback ends..
"Well! Let's all cheers!!!!!!" Masayang sabi ni Daisy kaya napatigil nalang ang pagaalala ko..
Napatingin ako kay Chandria/Hell at napatingin din siya sakin at sabay ngumiti ng matamis.. "
Pero isa lang ang sigurado ko kay Dem.. hindi siya titigil hanggat hindi kami burado sa mundong ito..
BINABASA MO ANG
Mr. Cold meets Ms. Kulit
Teen FictionKaya mo ba'ng ma-inlove sa ka-opposite ng ugali mo? Isang babae na pasaway, hindi matalino, maingay in short M A K U L I T , mai-inlove lamang sa isang lalaki na snobber, matalino, tahimik, in short C O L D Will Ms. Kulit melt Mr. Cold's icy heart?