Chapter 12

6.3K 208 1
                                    

Chloe's pov
"Omo!!!" Nagulat ako dahil nakita ko ang naglalakihang eyebags ni Chandria at mukhang antok na antok pa ito. Nakatulala lang ito sa desk niya at unti nalang ay babagsak na siya.

Pfft. Gusto kong matawa dahil bangag siya ngayon! Hihi. Aba bat naman kaya ganito ang itsura neto ngayon.

"Oy Cha, kasale ka ba sa palakihan ng eyebags? Aba sure win ka dun" biro ko sakanya at ngumuso lang siya sakin, wahahaha, mukha siyang puppy na may naglalakihang eyebags.

"Sira ulo ka pinaghirapan ko ito" aba malakas naman pala talaga to, nagawa pang magbiro kahit na bangag!

Oh well, nagsitawanan nalang kami hanggang sa makadating ang aming guro.

Chandria's pov
Hanu baa~ inaantok na ko ng bongga sana ma-end na ang klase mayghaws.

Nasa ika-limang klase na kami ngayon, at science to. Jusko lalo akong inantok. Pero luckily ilang minutes nalang ay magbebell na and lunch na namin.

Parang ayoko ngang kumain eh, parang gusto ko lang matulog pero gaya ng sabi ni Chloe, foods first !

*RING*

Nagbell na, hay sa wakas at natapos din ang klase na science !

"Goodbye Mam Olivia~" sabay sabay naming pagpapaalam.

"Uy bakla~ san tayo kakain" tanong ni Chloe sabay sukbit ng kanyang kamay sa braso ko. Kala mo naman gaan gaan. Huehuehue. "Wag na tayo sa canteen at baka mapaaway nanaman tayo doon, jusko nakakaawa lang ang makakaaway natin dahil mga wala silang palag, haha" grabe tong babaeng to napakabrutal ! Jusko kaloka tong kaibigan.

"Mmm. Sa rooftop nalang?"

"Oo ba!" At mabilis kaming nagsi-akyatan doon.

"Mmmmmm! Angsarap talaga ng luto ni Tita" sabi ko habang kinakain ang niluto ni Tita Daisy.

"Sinong Tita?" Oh shiet.

"H-ha? S-sinong tita? Basta tita, un na yown" sabe ko at sabay sabay kong sinubo ang niluto ni Tita.. hindi ko pa pala nasasabe sakanya~ paktay.

"Weh eh bat nauutal ka? Atsaka kala ko ba wala kayong kaclose na kamaganak niyo? Diba lahat ay mga nasa ibang bansa?" Nagulat ako, aba, palaban talaga.

"A-ah kaibigan lang n-ni papa.." phew buti naman at nakuntento siya sa sinabe ko at napatigil ang pagtataka niya.

Nang matapos kaming kumain ay inayos ko na ang lunch box ko nang may nakita akong litrato doon.

Teka.. ako at si Dominic to ah!

A-at kagabi lang to! Hala! Kinuhaan kami ni Tita ng picture!

Agad na nawala ang pagkabangag ko at nagising na ko. Nagulat ako sa nakita ako at anglakas ng tibok ng puso ko! Halo halo na ang nararamdaman kwo~

Itatago ko nasana yon kaso..

"Oh! Ano yan?" Takang tanong ni Chloe dahil nakita niyang may hawak ako sa kamay ko na akmang itatago ko

"W-wala to!" Pagtanggi ko dahil hindi pa ako handang malaman niya at tsaka sabi ni Dominic wag ipaalam sa iba

"Huwee, ge ganyan ka na huhh. Patingin!"

Hindi niya ako tinigilan hanggang sa maghabulan kami dito sa rooftop, habang naghahabulan kami ay hindi ko sinasadyang mabitawan ang litratong iyon!

Nanlaki ang mata ko nang makita ko itong dahan dahang mahulog sa baba!

Nakuuu! Hindi ito pwede!! Kailangan kong makuha iyon!

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon