Chapter 7

6.5K 261 0
                                    

Chandria's pov
"Five, six, seven, eight" pagbibilang ni Audrey. Ang mga bago naming members ang nagsasayaw ngayon, so it means kasama si Dom. And yep, totoo ngang marunong siya sumayaw.. magaling pa nga eh..

Anggwapo niya parin kahit nasayaw..

Natapos na silang sumayaw at nagpahinga sila.

Nakita kong hingal na hingal si Dominic, sino ba naman kasing hindi hihingalin pag paulit ulit kang nasayaw, non stop eh. Ganun kahigpit magturo si Audrey, pag nagkamali ang isa, idadamag niya ang lahat.

Lalapitan ko na sana si Dominic kaso lumapit ung babaeng nalate kanina. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya pero lagi ciang tinatawag ni Audrey na "M". Nainis ako dahil naunahan niya ako. Hinimas himas niya ang likod ni Dominic at binigyan ito ng tubig.

Tss, ininom naman netong isang to.

"Magsama kayo, psh.." bulong ko.

Nakita ko silang dalawang nagtatawanan.. tss akala ko sakin nilang ginagawa yan, sa iba rin pala.

Tumayo ako at pumunta sa rest room para umihi.

Nang pagkapasok ko sa isang cubicle, narinig kong nagbukas ang pinto at nilock ng pumasok ito.

Agad akong natapos sa pagihi. Nagdesisyon akong huwag gumawa ng ingay.

Sumampa ako sa gilid ng toilet para hindi niya ako makita.

Narinig kong binuksan niya ang sink para maghugas ng kamay pagtapos non ay narinig ko ang lakad niyang papalapit ng papalapit at isa isa niyang binubuksan ang pinto ng cubicle.

Hanggang sa nakita ko ang anino niya sa ilalim. Bubuksan niya na sana ang pinto nang magring ang phone niya.

Narinig ko siyang lumabas na ng cr kaya naman ay lumabas na ako ng cubicle.

Tumingin ako sa bawat gilid kung sino ang taong iyon kaso puro tao naman dito sa hallway..

Habang naglalakad ako may bumangga saken

"Ah! Tsk. Ano ba? Pwede bang tignan mo yang dinadaanan mo?" Mataray na sabi ng isang babae sakin. Luh inaano ko ba itey.

"Uh, hello? Uso ba sayo ang magsorry?" Mataray niya uli na sabi sakin habang winawagay way ang kanyang kamay saking muka.

Sorry!? Eh wala naman akong ginagawa sakanya!

"Excuse me ha? Ikaw kasi itong nakabangga sakin so why would I apologize?"

"Aba, why? Kase binangga mo lang naman ang reyna netong campus na ito, hindi mo ba alam yon?"

"Pero sa tagal kong nagaaral dito ay hindi ko alam na may tinatawag na reyna pala dito sa campus. Sorry, hindi ba ako nainform? Or baka hindi lang talaga ako interesado."

"Hrrr! Babe!" Tawag niya sa boyfriend niya na nasa likod ko.

"Yes babe?" Tanong naman nung lalake. Lumingon ako para tignan ito. Pshhh. Matangkad lang naman pero hindi pogi habang etong nasa harap ko naman ay ubod ng ganda, kung ako ang tatanungin ay hindi sila bagay pero nababagay sila dahil sa ugali nila. Ah, itong lalaking to, napakabully neto sa ibang students, kung makabully eh kala ko naman ay napakapogi.

"Sinaktan niya ko! Look, namula" turo niya arm niya. Aba kasalanan ko bang napakapayat at sensitive ng balat niya? Siya na nga ang bumangga sakin eh, ako hindi nasaktan tapos siya? Wow. Just wow.

Hinawakan ako ng lalaki sa tshirt ko at inangat ako.

"Ano ba! Ibaba mo ko!"

"Sige ba, sabi mo eh" pagsangayon niya sa sinabi ko at ibinagsak niya ako ng malakas sa sahig. Sumakit bigla ang likod ko.

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon