Chapter 31

5.1K 181 2
                                    

Dominic's pov
"ALL FVCKING PLAYERS! LINE UP!" Galit na sigaw ko sa gym. At mas lalong nag init ang dugo ko ng makita na may patak pa ng dugo sa gym floor. Mga wala silang balak maglinis, ang aarti.

"SINONG SIRA ULONG MAY GAWA NUN KAY CHANDRIA!?" isa isa akong tumingin sa mga players na nakahilera ngayon sa harap ko at hindi makatingin sa mga mata ko.

"WALANG AAMIN? GINAGALIT NIYO BA KO HA!" pigil na sigaw ko sakanila. I need to stay calm. Pero kulong kulo na ang dugo ko.

"SABIHIN NIYO NA, HABANG GANTO PALANG AKO. DAHIL HINDI NIYO GUGUSTUHIN KUNG SOBRANG GALIT NA KO!" sigaw ko na talaga sakanila. Pinipigilan ko nalang ngayon ang galit ko dahil ayokong makapanakit ng tao. Sana nga lang ay mapigilan ko pa ang sarili kong masaktan ang kung sino man ang may gawa non kay Chandria.

Tumingin ako sa isang babae na walang katakot takot na itinaas ang kamay.

"Ano un Steph? Kilala mo ba kung sino, ang gumawa nun kay Chandria?" Ng itanong ko yun ay tumango naman siya at itinuro ang may sala.

"Ikaw." Gigil kong sabi sa may sala na iyon.

Rhyme's pov
"Ikaw." Gigil na sabi ni Dominic sakin habang nakakuyom ang kanyang kamao.

"Ano?" Bored ko lang nasabi. What, hindi ko naman sinasadya un noh. Fine, hindi ko sinasadyang laksan tss. Atsaka hindi lang ako may gawa nun sa babaeng un kundi sila Pam at Denise din duh!

"BAKIT MO GINAWA UN." Halos isigaw niya sa mukha ko ang sinabi niya habang nakahawak sa kwelyo ko.

"H-hindi ko sinasadya.." nauutal kong sabi. I see fire in his eyes

"Sino ka ba! Sino ka ba para gawin un kay Chandria?!" Ano?! All this time hindi parin niya ako nakikilala? Pati si Chandria? Uhh hello?! Ako lang naman ang dating best friend ni Chandria pero pinagpalit niya ako sainyo ni Chloe. "Ano! Bakit hindi ka makasagot!" Sigaw na niya sa mukha ko.

Kinagat ko ang labi ko dahil nagpipigil nalang ako ng luha dito.

"Sino ako? Ako lang naman si Ryhme, haha just kidding, Ryhme is really not my name *smiles* hi my name is Alexa Louisse, ang iniwan ni Chandria ng dahil sainyo ni Chloe. Ako lang naman pala ang kauna unahang kaibigan ni Chandria. Ang kauna unahang sandalan ni Chandria tuwong down na down siya. Nice meeting you Dominic" mahaba kong sabi na ikinalaki ng mga mata niya at tinanggal ang kanyang pagka-kwelyo sakin.

Flashback. (9 years ago.)
"Hi Cha---" anu bayan, pang 20th time ko na itong pag hi ko sakanya ngayong araw pero hindi niya parin ako pinapansin..

"Oh andito na pala kayo Chloe at Dominic! Buti naman tara laro na tayo baril barilan!!" Yaya ni Chandria sakanila. Hmmm e kung sali kaya ako? Masaya unn! Gustong gusto ko pa naman ng baril barilan.

"Sige tara tara!!" Yaya ni Chloe

"Teka uhm Chandria pwede ba akong sumali?"

"Wag na, clumsy ka eh, baka pagalitan kami ng daddy mo pag nakita ka nanamn may sugat. Jan ka nalang." Sabi ni Chandria at tuluyan na silang tumakbo palayo sakin.

Bat parang may nagbago kay Chandria..

Flashback ends.

"So ano? Did that answered your question? Huh! Ano!" Mangiyak ngiyak kong sabi kay Dominic.

"Ginawa mo un kay Chandria dahil lang sa pinagpalit ka niya!? Eh ang babaw naman pala ng dahilan mo!!"

"Hindi mababaw yon! Hinding hindi! Kung ikaw kaya ang ipagpalit! Anong mararamdaman mo?! Diba galit at lungkot? Alam niyong si Chandria nalang ang kakampi ko noon dahil wala namang pakelam ung mga magulang ko saken! Si Chandria nalang ang nasasandalan ko non, si Chandria lang ang tanging kaibigan ko non tapos dumating lang kayo nagbago na ang lahat.. hindi na makulay ang mundo ko dahil pinagpalit niya ako.." iyak kong sabi kay Dominic.. i dont really care kung ano ang sabihin ng mga tao dito sa gym. Gusto ko lang talagang malaman netong ugok na nasa harapan ko kung ano ang nangyare at pinagdaanan ko ng nawala sakin si Chandria.

"Pero sabi rin ng mga magulang mo, na namatay ka na!!"

"Haha, but i was not dead. Palabas lang nila un. Silly parents. They want me to die dahil gusto rin nila akong palitan!!!" Yes, gusto akong patayin ng parents ko dahil daw sa kahihiyan na ginawa ko. "Akala nila namatay ako pero no, someone saved me, may kumupkop sakin."

Flashback. (2 years ago)
"Yes mom, im coming home, bye" sabi ko kay mommy at pinatay ang phone ko at nagdrive na pauwi.

Napansin kong may sumusunod sakin na kotse kaya naman iniba ko ang direksyon ko.

Ng nagtagal ay nawala na ang kotseng sumusunod sakin, kaso sa kasamaang palad ay hindi ko na alam kung nasaan na ko. Tanging puro puno lang ang nasa paligid. Gabi na rin. And shit no signal. Pano na to..

Hahanap nalang ako ng gas station dito, so i should keep driving.

Ayun! Gas station, finally..

"Shit bakit ayaw gumana ng break? Kanina naman nagana to.. and bagong bili ki lang netong car!!" Sabi ko sa sarili ko dahil hindi na nagana ang break ng kotse. Shit dito na ata matatapos ang buhay ko..

Hindi na ako pwedeng dumeretso. Dahil naaaninagan ko na ang mga kotseng umaandar palabas ng kagubatan na to.. hindi na ko pwedeng tumuloy don..

"D-dito n-nalang.." nauutal kong sabi dahil natatakot ako at ayoko pang mamatay dahil kailangan ko pang makita si Chandria..

Iniliko ko pakaliwa ang manibela para dumeretso ang kotse sa bangin then everything went black.

Fastforward.
"Tita Nina!!! Nandito na po ako" sabi ko habang pababa ng kotse.

Yes, im still alive. And here i am as Ryhme. Im already 16 yrs old this time. And sina Tita Nina at Tito Kiko ang kumupkop sakin, okay lang naman daw para din mawala ang kalungkutan sa kanila dahil ninakaw daw ang kanilang anak. Kaya ako nalang daw. Mayaman silang mag asawa at kasama sa isang mafia organization at ako naman ay sasali rin pag naging 18 na ako kaya naman palagi na akong tinitrain ni Tito about sa pakikipaglaban.

"Tita?" Pagkabukas ko ng pinto ng bahay nakita ko si Tita at ang isang babae na nakatalikod mula sakin. Nanlaki ang mata ni Tita Nina dahil nakita niya ako. Akmang susugod sana ako ng binaril siya ng babaeng nasa harap niya.

Humarap sakin ung babae.

"Fvck bakit buhay ka pa!?"

"Yes, yes 'mom'. I am fvcking alive!!" Sigaw ko sa dati kong mommy. Wala na akong nararamdaman ngayon kundi galit. "And I also heard na sinubukan mo akong ipapatay sa bago mong anak anakan nananan. Un ba ang bago mong taong ginagamit? Huh!"

"Patawa ka b----"

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya ng pinaputok ko ang kanyang bungo.

"You are not my real mom." Sabi ko habang sinipa ang bangkay at nilapitan ang tunay kong nanay na si Tita Nina na nagaagaw buhay na ngayon..

Flashback ends.

"Pero no, okay lang, haha, dahil kung hindi niyo naman inagaw si Chandria sakin hindi ako magpapakatatag at magiging matapang. Its just that, i still feel the anger thats why i did that to her."

"Shut up. Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo kay Chandria."

"What, tigdalawa lang naman kami ng spike netong mga kaibigan ko, hindi naman malala un tss." Sabi ko kay Dominic.

"Oh sorry, hindi ka pala nasabihan. Hindi mo ba alam, na masama ang tamaan ang ulo ni Chandria? Na pwede siyang magka-amnseia ulit."

"What? Anong amnesia? And did u said ulit?"

"Yes, i said 'ulit'. Dahil nagka-amnesia na siya dati."

*GASP*

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon