Maxwell's pov
Hi! Im Maxwell. 17 years old. Simple lang akong lalaki. Best friend ko si Chandria. At ex ko ang best friend niyang si Chloe..Ang awkward kanina nang makita ko si Chloe, lalo na at may feelings parin ako sakanya. Sinadya ko talagang umuwi dito para balikan si Chloe.
Naging kami ni Chloe noong 3rd year highschool pa kami. Kaso naudlot kami kasi nakita niya akong may kasamang ibang babae..
Flashback
"Ano ba Krystal? Lubayan mo na ako" tinulak ko si Krystal palayo sakin. Si Krystal ay isang kaibigan ko na pasikretong minamahal pala ako.."Pero Maxwell, ako nalang.." mangiyak ngiyak na sabi ni Krystal sakin
"Krystal, may girlfriend ako, alam mo yan. Kaya pwede ba? Lubayan mo na ko"
"Hinde! Akin ka lang. Akin ka lang!" Mabilis siyang lumapit sakin at hinawakan ang panga ko at hinalikan ako..
Tinulak ko siya agad kaso bumabalik parin siya at hinayaan ko na muna dahil nakakapagod siyang itulak.. hanggang sa may narinig akong humikbi..
Chloe..
Tinulak ko si Krystal at wala akong pakelam kung nahulog siya sa lupa dahil nababagay naman siya doon.
Agad akong lumapit kay Chloe..
"Chloe its not what you think.."
"Edi ano!? Ano ung nakita ko Maxwell! Ano yon! Yan ba ung babae mo ha?! Siya ba!"
"Chloe.."
"Kingina nakita ko kayong naghahalikan Max.. ano pa bang ibibigay mo sakin na dahilan.."
"Chloe.. hindi---"
"Hindi mo ginusto!? Eh hindi mo nga pinipigilan eh! Wala kang ginawa Max! Pinabayaan mo lang siya" nakatungo siya habang pinapahid ang kanyang luha.
"Makinig ka mu---"
"Wag mo kong hawakan Max.. wag na wag.." tumigil siya sa pag iyak at umangat ang tingin niya sakin at nakakatakot ang tingin na iyon.. na parang kaya niya akong patalsikin sa isang iglap.
"C-chloe.."
"We're over." Derederetso at malamig niyang sabe sakin.
"P-pero.."
"Sabi nang huwag mo akong hawakan!Baka gusto mong masama jan sa babae mo sa lupa? Or worst.. sa impyerno."
Hindi na ako nakaimik hanggang sa makaalis siya.. para akong statue na nakatayo don na walang ginawa kundi umiyak..
Flashback ends.
At yon ang nangyari samin.. Nagkakilala lang kami ni Chloe sa isang sm store at dun ako na love at first sight sakanya, pagaari ng kapatid ko ang store na yon kaya pinapatingin ko sa mga employees na nandon itong si Chloe.. at talagang gustong gusto ni Chloe ang mga damit sa shop ni ate. Nang pabalik balik si Chloe sa shop na iyon, dun sila naging magkaibigan ni ate at hiningi ko ang number ni Chloe kay ate at doon nagsimula ang panliligaw ko sakanya..
Dominic's pov
At sino naman itong lalaking ito? Tss. Ano nga ba namang pakelam ko.Nakinig lang ako sa lecturer namin at nagbigay ito ng isang short quiz. Hays, ganyan naman palagi, kakastart palang ng class ay may quiz na agad na binibigay, buti nalang ay napeperfect ko ang mga ito.
Kung ako naman ay napeperfect ang mga ito, itong katabi ko naman ay puro itlog ang nakukuha.
Pano kasi palaging nakayuko sa table niya, di nakikinig tss.
"Oh." Pagbigay ko sakanya ng notes ko.
"Ano yan~" malumnay na sabi niya.
"Tanggapin mo nalang at baka bawiin ko pa. Nakakatulong yan para sa grades mo." At nilagay ko sa ulo niya ang notebook ko.
"No thanks~" malumnay na sabi niya uli habang nakatingin sa labas. Di nalang ako umimik at kinuha iyon.
Tss. Siya na ang tinutulungan, siya pa ang tatanggi.
Agad na dumating ang break time namin at dumiretso ako sa isang field na walang katao tao.
Humiga naman ako sa ilalim ng puno at nagisip isip..
Mabuti na tong ganto.. araw araw ko siyang makikita..
Nainis ako sa bigla kong naisip. Napapikit nalang ako dahil hindi ako makapaniwalang maiisip ko yon.
Masarap ang ihip ng hangin kaya naman natulog muna ako..
Agad akong gumising ng naramdaman kong may tao sa gilid ko.. hindi ko pa minumulat ang mga mata ko pero gising na ang diwa ko.
Gumalaw ako ng onti at naramdaman kong umalis na ang taong yon..
Sino naman un.. sinisira niya ang maganda kong tulog.. tss.
Agad akong tumayo at pinagpagan ang gsarili ko. Tapos dumeretso na ako sa room para magbasa.
Someone's pov
Muntik na! Muntikan na akong malintikan. Buti nalang at nakaalis ako kaagad.Pero.. anggwapo niya parin kahit natutulog noh..? Hihi..
Kasalukuyang nasa cr ako at nagaayos ng aking make up dahil nasisira na ito.
Nang matapos ako ay agad akong pumunta sa classroom, laking papasalamat ko nalang at bago ako makapunta sa classroom ay madadaanan ko ang classroom ni Dominic, dahil don ay masusulyapan ko siya.. kaso nga lang ay naiinis ako tuwing makikita kong katabi niya na si Chandria. Tsk. Tignan natin kung makatabi mo pa siya sa mga susunod na buwan Chandria.. sisiguraduhin kong mawawala ka sa eskwelahang ito or kung gusto mo.. sa mundong ito.
Bigla akong natawa sa naisip ko sa bandang huli. Ang patalsikin ang isang Chandria dito sa mundong ito ay madali lang.
I swear na lahat ng lalapit o makakasama ni Dominic? Mawawala biglaan dito sa mundong ito..
Akin lang siya.
Chloe's pov
Hayst. Kainis si Cha, kaya iniwan ko panay ang asar sakin!Mag isa akong pumunta sa room at bago ako makapunta doon nakasalubong ko ang taong sumira ng relasyon namin ni Maxwell.
Tsk. Krystal.
Masama ang tingin niya sa room namin titignan ko sana kung sino ang kanyang tinitignan kaso napako ang tingin ko sakanya. Ngumisi siya na parang baliw at nagtama ang paningin namin. Naglaban kami ng tingin kaso dumating si Cha. Hindi naalis ang tingin ko sakanya kaso ang tingin niya ay lumipat kay Chandria, hindi niya ito pinansin at hinila ako papasok sa room.
Sino naman kaya ang tinitignan niya dito? Si Maxwell kaya un? Tss. Kahit kailan talaga ay malandi siya.
Nagkwentuhan lang kami ni Cha sa kung ano ano at hindi parin nawawala ang pangangasar niya sakin.. hindi ko talaga alam kung kelan ko pwedeng sabihin sakanya ang tungkol samin ni Maxwell..
"Chloe." Biglang may timawag sakin na ikinamula ng pisngi ko.
Lumingon naman ako.
"Tawag 'tayo' ni Mam Fe" nakangiting sabi niya. Ah! Baka sa arts club to. Talento kasi ni Maxwell ang pagpinta, totoong magaling siya sa mga ito at namamangha ako doon..
"Ayyee---"
"Shh!" Tinakpan ko ang bibig ni Cha para tumigil ito.
"Tara na"
At umalis na kami ng tuluyan ni Maxwell.
-----------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Mr. Cold meets Ms. Kulit
Teen FictionKaya mo ba'ng ma-inlove sa ka-opposite ng ugali mo? Isang babae na pasaway, hindi matalino, maingay in short M A K U L I T , mai-inlove lamang sa isang lalaki na snobber, matalino, tahimik, in short C O L D Will Ms. Kulit melt Mr. Cold's icy heart?