Chapter 5

7.2K 238 0
                                    

Chandria's pov
Eto nanaman ako, nagiisang nagmumukmok.

Bat ba kasi walang practice ngayon sa dance club, kainis gusto ko rin maging busy.. kaysa sa makatabi tong asungot na to. Hindi pwedeng kausapin amp, laging nakatutok sa libro eh.

"Hwaaaa~" pagkunwaring iyak ko.

"Tsk. Ano ba?" Iritang sabi ni Dom.

"Psh. Wala akong magawa~ baka ikamatay ko to~" pagiinarte ko. Eh sa boring eh, ayoko pa naman ng ganun parang ikakamatay ko talaga.

"Magba--"

"Ayoko, wag mo ko itulad sayo" pinigilan ko ang sasabihin niya dahil ayoko non. Ayokong magbasa! Magbabasa basa ako wala namang papasok sa utak ko. Jusmiyo.

*KRIIINGGG*

Bell na. Hays panibagong discussion nanaman. Yawko na~

"Good morning class" bati ni Ser at bumati naman kami.

*TOK TOK*

"Come in"

"May I excuse the dance club members here?"

"Who are they?"

"Please stand up as I call your names. Chandria Park, Alexis Leaño, and.. Dominic Lee."

"Wait what!?" Biglaang sigaw ko na ikinataka ng lahat. "ay.. sorry.." nahiya kong sabi pero di parin ako makapaniwalang kasama siya sa dance club. I mean, di ko rin alam na may talento siya sa pagsasayaw. Well, who knows?! Di ko pa naman siya nakikitang sumayaw kaya I wont judge.

Tuluyan na kaming lumabas at pumunta sa dance practice room namin. Andon na ang mga ibang members.

"Chandria come here" pagtawag sakin ng leader namin na si Audrey.

"Audrey.. bakit nandito sila?"

"Eto na nga, sila ung mga bago nating dancers"

"Kahit ung isa dun..?" Nakanguso kong palihim na tinuro si Dominic.

"Yes yes" tumango siya at ngumiti.

"Okay, so kaya ko kayo pinatawag dahil may practice tayo mamayang 1-5. Papauwiin kayo ng Dean para kumuha ng extra clothes and excuse kayo sa mga klases niyo mamaya. And for now, nandito tayo para magpakilala at may ipapanood kami sainyong few steps. Si Chandria ang kanang kamay ko kaya pag wala ako minsan dahil busy ish, siya ang magtuturo sainyo ng sayaw. Kada okasyon sa paaralang ito ay magpeperform tayo, and next week meron tayong welcoming party so we need to practice and master the dance atleast this week. Okay? Okay."Mahabang explain ni Audrey.

At nagpakilala ang mga ibang bagong miyembro ng dance troupe namin. Matapos nilang magpakilala kami naman ang nagpakilala. Nagpakita ang iilan sakanila ng mga moves sa pagsasayaw, kaso tahimik lang si Dominic na nanonood. Nang matapos uli sila kami naman ang sumunod.

Kadalasan samin ay puro k-pop ang sinasayaw namin pero mnsan naman ay hinde. Pag k-pop ang sasayawin kami ang nagtuturo pero pag hinde si Audrey ang nagtuturo.

12pm na kaming natapos.

"Okay guys, wag niyo kakalimutan ang mga binilin ko okay? See you later!" At tuluyan na silang umalis. Naiwan kami ni Dominic sa labas.

"Hindi ko alam na may interes ka sa pagsasayaw?" Biglaang tanong ko. "Pero bakit hindi ka sumayaw kanina?"

"Ayokong magpakapagod." Walang ekspresyon niyang sabi at tuluyan nang lumakad palabas ng school.

Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon