Chandria's pov
M-mama...Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit!
Oh jusko kung nananaginip lang ako please wag niyo na akong gisingin!!
"Chandria.." bigkas niya sa pangalan ko habang hinahawi ang buhok ko. Ngayon ay pareho kaming umiiyak habang magkayakap at pinapanood kami ng mga tao sa paligid..
Kumalas akk sa yakap at tinignan ko siya.. kamukhang kamukha ko nga talaga si mama.
Lumapit si papa samin at niyakap kaming dalawa. Parehas nya kaming hinalikan sa noo.
"Sa wakas at malapit na tayo maging kumpleto.." sabi ni mama. Wait anong ibig sabihin niyang malapit. Malapit palang? Huh? Pero kumpleto ba kami ah.
"Ma.. ano pong---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol ni papa ito.
"Ahh.. anak kumain na muna tayo. Tignan mo naghihintay na ang pagkain at sila Tita Daisy mo. For sure ay gutom na sila haha" sabi ni papa habang pinupunasan ang aking luha.
"Ahaha sabi ko nga po papa eh! Tara po kain ba tayo" yaya ko sakanila at nang palingon na ko ay nabangga ko si Dominic.
Binigyan nya ako ng blankong mukha pero masaya ang kanyang mga mata..
Nginitian ko cia kaso blanko parin mukha niya.
"You happy?" Tanong niya sakin at sabay kaming naglakad papunta sa kinaroroonan nila Tita Daisy.
Ngumiti ako uli. "Oo naman hihi" masaya kong sabi. "Plinano nyo ito?" Tanong ko sakanya na ikinakunot ang noo niya.
"Hindi ako kasama. Tss.." sabe niya at naunang maglakad.
At naiwan ako ditong nakanguso.
"Chandria gusto mo ba ang binatang iyon?" Tanong ni mama. Nanlaki ang mata ko tatanggi sana ako nang magsalita si papa.
"Hindi pa ba halata mahal? Ahaha" sabi ni papa. Sigi papa asar pa ngayon ka na nga lang umuwi ih!!.
Si mama naman nakisakay pa sa trip ni papa. Huhuhu
"Kayu tlga huhuhu" sabi ko sakanila at pumunta nalang sa kinaroroonan nina Tita Daisy.
"Oh.. Charlotte napakaganda mo parin" sabi ni Tita Daisy kay mama. "Manang mana saiyo si Chandria hihihi"
"Ay ano ka ba naman Daisy hindi ka parin nagbabago. Bolera ka parin talaga ahaha"
"Ano ka ba naman hindi ka pa nasanay eh angtagal tagal na nating magkasama" sabi ni Tita Daisy. Wait ano daw? Matagal ng magkasama?
"Uhh.. magkakilala na po kayo dati pa?" Tanong ko.
"Oo naman anak. Highschool besties kami nyan ni Tita Daisy mo at sila papa at Tito Daniel mo naman ay highschool best friends din.." pageexplain ni mama at napa-ahh nalang ako.
Kumakain kami ngayon at napakasarap talaga ng luto ni Tita Daisy.
"Salamat sainyo huh at tinulungan nyo kaming supresahin itong anak kong si Chandria" sabi ni mama.
So plinano nila to!?
"Salamat din kasi inalagaan nyo sya nung mga times na wala ako" sabi naman ni papa.
Ngumiti si Tita Daisy at Tito Daniel habang sina Darren at Dominic naman ay emotionless. Pshh. Ayaw siguro talaga nila sakin hayy bat ko nga ba kasi talaga pinagpipilitan sarili ko sakanila..
BINABASA MO ANG
Mr. Cold meets Ms. Kulit
Teen FictionKaya mo ba'ng ma-inlove sa ka-opposite ng ugali mo? Isang babae na pasaway, hindi matalino, maingay in short M A K U L I T , mai-inlove lamang sa isang lalaki na snobber, matalino, tahimik, in short C O L D Will Ms. Kulit melt Mr. Cold's icy heart?