Dominic's pov
Tss. Bat ba siya sumali? Hindi niya ba alam kung gaanong kaiksing short ang susuutin niya? Psh, careless."Bat ka sumali" bigla kong naitanong kay Chandria, maski ako ay nagulat sa tinanong ko, siguro dala ito ng iniisip ko.
Tinignan niya ako ng masama at nakanguso.
"At pake mo ba!" Sigaw niya sakin. Tss, bat ba tuwing sasagot siya sakin ay ganyan ang muka niya at naninigaw. Nakakarindi na rin ha.
"Again, you dont have to shout. Pero bakit ka nga sumali" tanong ko uli ng mahinahon.
"Wala lang.. gusto ko lang sumali, wala naman sigurong masama dun" galit niyang sabi habang kumokopya ng lecture sa board.
Angiiksi kasi ng mga short don Chandria, hindi ka ba nagiisip!
"Huh?" Takang sabi niya sakin at nagulat ako sa takang sabi niya. "May sinasabe ka?"
Oh. Nasabe ko ba un? Akala ko nasa isip ko lang! Tss. Ingat na sa susunod Dominic.
"A-ah.. ang sabi ko ay baka matalo lang kayo ng dahil sayo" pangangasar ko sakanya at napatigil naman siya sa pagsusulat.
Sumama lalo ang tingin niya sakin at sinuntok ang aking braso which is napakasakit pero hindi ko pinakitang nasasaktan ako. Ayoko namang maging weak sa harapan niya.
"Tss, wala ka talagang bilib sakin" sabi niya at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Wala naman talaga, haha" pangangasar ko uli. Gusto ko araw araw ko ciang aasarin eh. Hehe.
"Hmmm.." sabi niya habang nagiisip. "What if.. we make a deal. Para mabilib ka sakin. Pag natalo kami.. aalis na ako jan sa bahay niyo at hindi na magpaparamdam sayo forever." Sabi niya at napatango naman ako.
"And what if kung manalo kayo?" Sabi ko at kinilabutan ako sa ngiti niya. Ewan ko kung bakit pero may something sa ngiti niya.
"Akin ka na kung ganon" nakatingin at nakangiti niyang sabi sakin na ikinalaki ng mata ko. "HAHAHAHA!" Malakas na tawa niya.
"Ssshhhhh!!!" -Sir.
"Pfft. S-sorry serr!" Pagpapaumanhin ni Chandria dahil sa malakas niyang tawa na ikinatingin ng lahat. "Biro lang un, biro lang un, hahahaha, kingina ung mukha mo nakakatawa hahaha" sabi niya sabay tawa at hawak sa tiyan niya. At habang ako ay naiirita dahil sa sinabi niya na 'biro lang' ung sinabi niya kanina. Ewan ko ba pero bumigat ang aking damdamin, siguro kasi ayokong naloloko ako? I dont know. Tss. Damn this feeling.
"Tch." Ang tanging sinabi ko nalang at nagsulat. Tss.. I hate you Chandria.. I hate you so much..
Lunch break
Ngayon ay nandito ako sa tambayan ko which is sa likod ng building. Buti nalang talaga ay walang masyadong napunta dito. Ako lang ang magisa dito palagi kaya gusto ko dito. Peaceful itong lugar na ito.. tanging huni ng ibon lamang ang maririnig mo at mahangin dito. Dito rin ako natutulog minsan.
Habang nakapikit ang mata ko ay naramdaman kong may taong papalapit kaya hindi ko parin ito binubuksan.
Tss. Sino nanaman ba to!
"Hihihi.." hagikgik niya. "Angpogi mo parin talaga kahit tulog.. nabibilib ako sayo Dominic.." sabi niya sakin. Sino naman kaya to? Impossibleng si Chandria kasi iba ang boses at impossible ring si Mika kasi hindi ko na cia nakikita pang muli so sino to.. "sana mahal mo rin ako kagaya ng magmamahal ko sayo.. kaso mukhang impossible eh.. alam ko namang hindi ako ang tipo mo.." malamig na sabi niya. "Alam ko namang wala kang balak na mahalin ang isang tulad ko pero heto ako.. nagpapakatanga para sayo.." malamig ngunit malungkot na sabi niya. Tss.. hindi ko talaga matukoy itong nagsasalita ngayon sa tabi ko ngayon.. bat anghirap mong tukuyin!
Hinawi niya ang buhok na nasa noo ko at ang lambot ng kamay niya.. may pagkamalamig ito sa una ngunit umiinit rin..
"Ang swerte siguro ng babaeng magugustuhan mo.." sabi niya at ginalaw galaw ko na ang aking ulo at naramdaman niya naman iyon kaya agad nyang binawi ang kanyang kamay at.. "paalam na.." pagpapaalam niya sakin at naramdaman kong umalis na siya.
Agad akong bumangon para mahanap kung sino iyong babaeng iyon ngunit wala na akong nakita.
Fvck curiousity kills.
Tumayo na ako at dahil sa nakaramdam ako ng gutom ay napagdesisyonan kong bumili sa canteen.
Habang paalis ako sa lugar na iyon ay nakita kong naglalakad si Mika malapit sa likod ng building.
Siya kaya un..?
Naglalakad siya sa hallway at ako naman ay nasa likod niya.
At dahil sa lunch break ngayon ay madaming high school na babae ay nagtitilian ngayon.
Tss... Nakakarindi.
"KYAAAH!! Dominic Ace~ my loveeee" sabi ng isang babae na parang linta na ang kilay dahil sa kapal.
"Kuya Aceeeeee. Crush na crush ka po namin !!!!!" Sabi ng mga 1st year highschool.
"Oh myyyyy~ hi handsome" sabi nung 3rd year highschool na naglakad pa sa harap ko.
Tinaasan ko nalang ito ng kilay at linagpasan siya. Nawala na si Mika sa hallway, hindi naman sa hinahanap ko cia pero bakit ganun cia kabilis para mawala sa paningin ko..
Psh.. it doesn't matter Dominic Ace.
Oo nga naman, hindi naman big deal un so psh, nevermind.
Habang papunta ako sa canteen ay hindi parin maiwasan ng ibang babae ang tumili. At ako naman ay nakapoker face lang dahil hindi naman ako mahilig sa mga babae. I dont need girls, I have books.
Nang makabili na ako sa canteen ng pagkain ko ay saktong nagbell na, psh, late naman din palagi ang teacher namin kaya okay lang na malate ako.
Onti nalang ang mga estudyante ngayon dito sa building na ito dahil class hours na. Pero kahit na class hours na hindi parin mapigilan ng ibang babae na mapatingin sakin at ngumiti ng napakalaki.
"Tss.. ano nanaman ba ang gusto nila? Kala ko ba tapos na!" Galit na sabi ng isang babae.
"Ako rin." At sabi pa ng isa. Malamig ang pagkakasabe niya at ung boses na yon ay ung boses na narinig ko kanina sa likod ng building.
"Hassle naman. Kung dati ay spaghetti ngayon naman ay coffee! So what's next!" Galit ulit na sabi nung unang babae.
"Tss.. let it be. Alam naman nila na wala silang laban satin dahil alam na nila ang pagkatao natin"
"Putcha huhusay!"
"Tss tara na." Malamig niyang sabi.
Umakyat ako at nakita ko ang dalawang babae na sabay maglakad at nagpupunas ng buhok.
Naglakad din ako at nakita kong pumasok sila sa cr.
Naghintay ako sa malapit sa cr para tignan kung sino ang mga un.
Ilang minuto anh nakalipas ay lumabas na ang dalawang babae.
Sino naman tong mga to? Hindi ko naman to kilala..
Nagtaka ako dahil parang iba na ang buhok nila kaya naman naghintay uli ako ng ilang minuto.
Fvckk curiousity kills talaga! Ilang minutes na akong late!
At sa wakas ay lumabas na rin kung sino man ang nandon sa loob!
"Tara na Hell hahahaha!" Tawa ng isang pamilyar na boses sakin.
"Pshh, shatap ka nga jan! Yoko nga nung pangalan na un eh!" At inis naman na sabi ng isa pa.
************************************
BINABASA MO ANG
Mr. Cold meets Ms. Kulit
Teen FictionKaya mo ba'ng ma-inlove sa ka-opposite ng ugali mo? Isang babae na pasaway, hindi matalino, maingay in short M A K U L I T , mai-inlove lamang sa isang lalaki na snobber, matalino, tahimik, in short C O L D Will Ms. Kulit melt Mr. Cold's icy heart?