Chapter 13

6K 206 1
                                    

Chandria's pov
"Woi, psst" tawag ko kay Dominic. Ngayon ay nasa gitna kami ng pagququiz at wala akong masagutan ni-isa sa tanong na nandito.

Naalog ata ung utak ko sa pagkahulog ko kanina, pshh.

"Psst!" Tawag ko uli kay Dominic. At finally! Tumingin siya saken at binigyan ako ng what-do-you-want-look.

Ngumiti ako sakanya at tinuro turo ko ang papel ko na may mga tanong at mukhang nagets niya naman ang aking ibig sabihin. Binigyan ko siya ng paano-ito-look. At tinaasan niya ako ng kilay. Akmang titingin na sana ako sa papel niya nang batuhan ako ni Ser Peñeralta ng eraser.

"Ms. Park and Mr. Lee! OUT!" malakas niyang sigaw samin at nagsitinginan naman ang aming mga kaklase at narinig kong nagbubulungan sila.

Uh-oh.

"Tsk" angil ni Dominic at sinamaan niya ako ng tingin at tuluyan ng lumabas.

"Ms. Park!" Tawag sakin ni Ser at tuluyan na rin akong lumabas dahil baka sigaw sigawan pa ako nito.

Haaaay, pano nayan, kahit quiz pa ito importante pa to sakin! Bakit pa kasi nangyari sakin tooooo.

Tumigil si Dominic sa paglalakad at lumingon siya sakin kasama angkanyang masamang tingin at nakakunot na noo. Inis na inis to ngayon. Aish!!

"Bakit kasi hindi mo alam ung mga sagot dun sa mga tanong?! Tinuruan naman kita ah!" Ayan naaa, monster na siya tinataasan niya na ko ng boses!!

"K-kasi ewan ko! Naalog ung utak ko kanina nung bumagsak ak---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil baka malaman niyang nagala-spiderman ako!

"Tss. Dapat kasi ay hindi ka nalang tumalon, gaya nga ng sabi ni Chloe kanina ay may hagdan."

Alam niya?! Pano!?

"Tss oo alam ko Chandria, nakita at narinig ko kayong dalawa ni Chloe, dangingay nyo ba naman kase. Naputol niyo tuloy ang maganda kong tulog."

"A-ano pa ang mga narinig mo?"

"Un lang at wala nang iba dahil hindi naman ako interesado."

Nakahinga ako ng maluwag dahil un lang ang kanyang narinig.

"Bat ka ba kasi tumalon pababa? Ayan naalog ang utak mo at nakalimutan mo ang mga pinagaralan natin tapos ngayon nadamay mo pa ako sa kaengotan mo."

Aba makapagsalita to!

"May nahulog kasi don na importanteng bagay na bawal makita ng iba.. psh."

Nakita kong nagtaka siya at tumalikod na uli saken at nagpatuloy na maglakad.

Hayy nakakabored naman. Wala kaming magawa dito sa field. Bakit ba kasi dito pa siya pumunta? Pwede namang sa canteen or sa may park dito bakit dito pa?!

Ano ka ba Cha! Ikaw na nga nakikisunod ikaw pa ang mapili.

Err sabagay.

Nandito kami ngayon ni Dominic sa isang malaking ilalim ng puno. Oh! Ito ung puno kung saan ako nahulog kanina. Maganda talaga mahiga sa ilalim ng puno na ito, natatakpan ng mga dahon ang sikat ng araw kaya siguro gusto niya dito.

Nahiga siya don at akmangg hihiga rin sana ako ng pigilan niya ko kaya naman dun nalang ako sa may bench. Psh. Damot.

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi ko na nakayanan ang boredom kaya naman naisipan kong pagtripan si Dominic. Huehuehue *evil laugh*

Kumuha ako ng stick at naglagay dahol sa dulo non. Tama lang ang haba ng stick na iyon para maabot si Dominic. Umakyat ako sa puno at kumapit sa tangkay don, at don ko na sinimulang pagtripan si Dominic. Kinalabit kalabit ko siya gamit ng stick at nilagay ko iyong dahon sa ilong niya. Hihihi natatawa ako sa reaksyon nya tuwing nadidikit ang dahon sa ilong niya. Pinipigilan ko nalang ang pagtawa ko dahil baka magising siya !

"Ya! Bumaba ka nga jan!" Sigaw niya sakin at napanguso naman ako non kaya naman bumaba ako sa punong iyon. Tumayo siya at nag-unat unat at don nakaisip nanaman ako ng plano hahaha!

Pagkababa ko ay agad kong sinipa ang kanyang likod at napaluhod siya tapos ay sinundot ko ang pwet nya gamit ang stick! HAHA! Success!

"Ahahahahahaha!" Tawa ako ng tawa ng makita ko ang reaksyon niya talagang napa-aray siya sa sakit at kitang kita kong namumula na siya sa inis at natatawa ako don! Hahahahaha

"Ayshhhh!" Lumapit siya sakin at kinurot niya ang aking pisngi na walang sugat siyempre kaso masakit ang pagkakurot niya at ako naman ang napa-aray sa sakit. At kinurot niya naman ang aking ilong ng sobra! At nanggigil na siya. Huhuhu mashaket!

"Awuuuu" sabi ko at napapikit dahil sa sakit at laking pasasalamat ko dahil nagbell na at binitawan niya na ang aking pisngi at ilong.

For sure namumula mula na ang ilong ko at pisngi huhuhu T^T

Hinimas himas ko nalang iyon at sumunod na sakanya para makapunta sa room.

Vacant namin ngayon at nandito kami ni Chloe sa canteen..

"Ano ba bat mo ba hinihimas himas yang pisngi at ilong mo? At bat yan namumula?" Tanong nya sabay kain ng piattos.

"Eh kasi banaman si Dominic eh, huhuhu kinurot ehh" mangiyak ngiyak kong sabi at tanging tawa lang ang narinig ko sakanya.

"Pfft mukha ka tuloy kamatis ngayon dahil angpulapula ng mukha mo hahaha"

"Psh ge mangasar pa! Ganda mo eh!"

"Ay yes I know that" sabi niya sabay flip ng hair at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Onga pala, iexplain mo ung nakita kong picture niyo ni Dominic! Bakit magkatabi ang ulo niyo sa pagtulog huh!!"

"Shhhh! Wag ka nga maingay, mamaya paguwian lahat ay ichichika ko sayo, so chill"

"Fine fine, ako rin may sasabihin sayo. Alam mo bang andito ung ex ko? At ang masaklap ay kaklase pa natin Cha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hala! Sino naman ba iyon?! Ma-upakan nga! "Oh chill lang yang mata mo nanlilisik na agad eh. So anyways ung ex kong iyon ay si Maxwell"

Nangsabihin niya yon ay naibuga ko ung tubig na iniinom ko, buti nalang ay hindi ko sakanya naibuga! Si Maxwell!?

"Ay bastus kang babae ka! Sana sinabe mong maypafountain ka para naimbitahan ko ung ibang estudyante noh! Langya"

So siya ung kwinekwento ni Maxwell sakin na babaeng mahal niya!?

"Wag ka na magalit kasi hindi ko nasabi sayo.. nagulat nalang din ako ng makita ko siya dito at malaman kong kaklase natin siya. Atsaka di ko nasabe sayo agad kase hindi pa ako handa kaya pasensya na.. ayoko na rin kasing pagusapan ang nakaraan.." malungkot niyang sabi.

"A-ano ka ba? Ayos lang un sira! Hindi ako makapaniwalang ikaw ung sinasabi sakin ni Maxwell na babae! Yieeeee!" Kilig kilig kong sigaw

"T-talaga?! Marami siyang nakwento sayo na tungkol sakin?!"

"Oo naman! Alam mo ba iyak un ng iyak nung naghiwalay kayo! Aba vinideohan ko pa nga ang loko eh! Hahahah! Nakakatawa kasi lasing na lasing siya nun at kung ano ano ang sinasabi niya hahaha putaena tawa ako ng tawa non!"

"Uy pasa mo sakin ung vid!"

"Osige ba! Tapos alam mo ba kaya siya bumalik dito ay para sayo.. babalikan ka daw niya eh.."

"H-hehe.. t-talaga b---"

"Hello.. my long lost queen" omo! Si Maxwell!!!!

************************************


Mr. Cold meets Ms. Kulit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon