Kung may pinakaayaw siguro akong almusal
Iyon ay yung nilulunok kong katotohanan tuwing umaga
Na lilipas ang buong araw, lilipas ang maghapon
Lilipas ang napakagulong buhay ko na wala kaSayang lang
Ang ganda kasi nung mga munting eksenang pinapangarap ko
Na kapag mag-asawa na tayo
Tahimik at dahan-dahang uunahan kitang bumangon sa umaga
Ipagluluto sana kita
Tapos gigising ka na lang sa kama na may mainit na kape ka nang nakatimplaPero inabot na kasi tayo ng takipsilim
Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim
Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin
Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungalingAlam ko balang araw may iba na akong papangaraping makasama
Sa mga munting eksenang naglalaro sa isip ko, gusto ko na yung mga eksena na wala ka
At balang araw hindi na rin nakakasuka ang mga mapakla at mapapait na almusal na itoSalamat, salamat
Salamat sa hindi nangunguyang pag-ibig mo.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...