SWP- KASABAY NG TAGSIBOL ANG PAGLAGAS NG MGA DAHON

144 1 0
                                    

Isinulat ko ang tulang ito,na ikaw lamang ang nasa isipan ko
buong puso'y inaalay ko sa iyo
mahal kitang tunay at sayo lang ako
Pag ika'y paparating na,ako'y tuliro,
hindi mapakali at litong-lito,
tila ako'y isang orasan na huminto,
di ko na alam kung anong gagawin ko.
Lahat ng hirap ay aking titiisin,
huwag mo lamang ipagkakait sakin,
ang karapatan ko na ika'y mahalin,
di na mapipigil,bugso ng damdamin.
Ngunit ngayo'y sa tingin ko ay oras na,sa aki'y wala ng makapipigil pa,
sana'y magtiwala at maniwala ka,
ikaw lamang ang mahal ko aking sinta.

Pag-ibig,pag-ibig,pag-ibig
Mga salitang nagbago sa iyong hilig
Cellphone ang palaging hawak
Na nakasilay ang mga ngiting kay lawak
Pag-ibig,pag-ibig,pag-ibig
Mga salitang magkahawig
Sakit,sakit,sakit
Mga salitang laging kapalit
Pag-ibig,pag-ibig,pag-ibig
Nararapat pa bang umibig?
Kung ang kapalit ,
Ay puro sakit?

Pero sa puntong ito,nasagot na ang tanong ko,tapos na ako.
Tapos na akong umasa,tapos na akong maghintay,tapos na akong umiyak
Natapos na din ako sa laban na ang kalaban ko ang sarili ko
Sa laban kung saan alam kong talo ako
Pero tinutuloy ko, salamat dahil sa pagtatapos na ito sisimulan ko ang panibagong ako.
Ako na may panibagong umaga at mundo,
Salamat dahil sayo natapos ang tayo at magsisimula na ang bagong ako.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon