Hawakan mo ang aking kamay,
sabay tayong lumipad sa kalangitan.
Iwanan natin pansamantala ang lumbay,
halika at balikan ang nakaraan.Saya ay walang paglugaran,
sana oras ay wala ng katapusan,
halos perpekto nating pag-iibigan,
ngayon ay parang alaala nalang ng nakaraan.Hindi ko alam paano,
hindi ko alam kung saan pa patungo.
Bakit nga ba kapwa tayo napunta dito?
Sa lugar kung saan tila narating na natin ang dulo.Paano nga ba at saan ang ating daan,
patungo sa dating tayo na puno ng pag-iibigan.
Bakit ngayon ay para tayong nasa malawak na karagatan,
nalulunod ako sa sakit hindi ko maintindihan.Sa mga salita mong "Ako'y napapagod na",
hindi ko alam kung tama bang lumaban pa,
pero nangingibabaw ang salitang " Mahal kita",
kaya hindi kakayanin ko pa.Saan ba tayo dapat magsimula —
Sa simula ng tayo'y nagkakilala?
O sa simula kung saan minahal natin ang isa't-isa?
Hindi ko na alam kung saan pa,
ang tanging alam ko lang hanggang ngayon mahal parin kita.Pwede bang bumalik na?—
Doon sa tayong dati'y masaya,
sa dating puno ng pagmamahal,
sa dating buo pa ang aking tiwala.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...