Mahal?
Ang saya, Napakasaya dahil nakilala kita, Napakasaya dahil sa salitang "IKAW AT AKO" ay mayroong TAYO.
Sa bawat pintig ng puso ko ikaw ang dahilan nito, Sa bawat kurap ng mga mata ko ikaw ang hanap nito, sa bawat pagsilay ng mga ngiti sa labi ko, Oo ikaw, Ikaw ang isa sa mga dahilan nito.Mahal
Pinaramdaman mo sa akin ang rurok ng kasiyahan, Umaapaw na kaligayahan
Sa mga pangakong matamis, Mga pangakong matatamis, na sing tamis ng iyong labing mapupula
Mahal
Naniwala ako sa salita mong "MAHAL KITA" Dahil yun yung pinaramdam mo sa akin noong nagsisimula pa lamang ang kwento nating dalawa
PERO MAHAL
Sa simula lang pala, sa simula ka lang pala, sa simula ko lang pala mararamdaman ang saya, na tila bigla na lamang naglaho, NAGLAHO NA PARANG BULA...BAKIT MAHAL?
Bakit tayo nagkaganito?
Bakit naging ganito?
MAHAL?
May nagawa ba akong MALI?
ako nga ba ang mali?
Dahil sa simula't sa huli wala akong ginawa, wala akong ginawa KUNDI MAHALIN KA.Ang SAKIT isipin na ang "kaligayahang umaapaw" noon ay "kalungkutan" na ngayon, Ang SAKIT isipin na ang "matatamis na pangako" noon ay "kasinungalingan"
MAHAL.. MAHAL KITA, Pero siguro nga hanggang dito nalang TAYO.. Dahil kita ko, ramdam ko, na mas masaya kana sa piling ng bago mo..PERO MAHAL..
Pero mahal gusto kong isampal sayo ang katotohanang nasasaktan ako.. Nasasaktan ako mahalMahal?
Kailangan pa nga ba?
Maaari pa nga ba?
Dahil ikaw mismo walang pake, Walang pake sa nararamdaman ko
DAHIL
Mas mabilis pa sa bagyo ang pag-alis mo..
Mas mabilis pa sa lipad ng ibon ang pag-lisan mo..
Hindi mo man lang inisip na mayroong AKO, Na mayroong AKO NA NAG E'EXIST sa buhay mo.. Na mayroong ako na masasaktan mo.. Sana inisip mo man lang yun bago moko niloko..PERO NGAYON
Pero ngayon magsisimula ako ng PANIBAGO
"Panibagong Araw na WALA NANG AKO SA IKAW" Dahil siguro nga..
Siguro nga hanggang dito nalang talaga...
HANGGANG DITO NALANG "ANG KWENTO NATING DALAWA"
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaSpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...