Naghabol, napagod, nanalo
Ganyan ang pagmamahal ko sayo
Lahat gagawin mapasakin iyong puso
Pusong hinangad simula pa lang ng laroNahawakan nataya nawala
Nawalan ng pag asa
Pag asang di na makakamit pa
Pag asang pipilitin makamit kahit wala na talagaNakailag nakapuntos nakapuslit
Daig ko pa Ang paghihirap ng isang paslit
Gusto kang makasama kahit isang saglit
Gustong magkaroon ng parte sayong puso kahit maliitIsang laro
Syang nagpasigla saking puso
Dito nagsimula ang pagbabago ko
Pati Ang takbo ng storya koStorya na noo'y nananahimik lang
Ginulo buhay ko pati pusong walang kamuangmuang
Puso't isip walang alam sa ganyan
Nadamay simula nung nagsimula Ang larong iyan...Nagkadevelopan nagmahalan naging masaya
Simula ng mapalapit sa isat isa
D akalain larong pambata Ang naging tadhana
Para magmahalan tayo ng sobraHinabol naiwasan nasugatan
Yan Ang nangyari ng maiwan
Iwan ng mga kalaro sa daan
Daan na wala ng patutunguhan...Naglaro sumaya bumalik ang alaala
Lahat ng pinagsamahang na wala
Pinagsamahang sinimulan ng larong pambata
Dun din tinapos kasabay ng salitang tapos na
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...