SWP-KUNG MAGHAHANAP PA ANG IYONG PUSO

201 0 0
                                    

Kung maghahanap pa ang iyong puso
Bigyan mo siya ng makapal na salamin
Dahil baka wala na siyang ibang makita
Baka wala na siyang iba pang mapansin

Kung gusto pang masurpresa ng iyong puso
Sa kung ano ang maibibigay ko pa
Wala na siguro. Ito na lang kasi ako
Ako yung taong madali mo lang maikumpara

Kung maghahanap pa ang iyong puso
Ng mas tuyong palad
Ng mas mabangong hininga
Ng mas matinong kausap
Ng mas magaling magpatawa
Sana kaya ko na lang kausapin ang iyong puso
Para masabi kong, "Patawad, pero mabibigo kita."

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon