SWP-KAMATAYAN

579 2 0
                                    

Sabi nila lahat ng bagay may dulo
At sa dulong iyon, wala ng ikaw, wala ng ako, wala ng tayo
Sa dulong iyon, magtatapos ang lahat
Ngunit ano nga ba ang naghihintay sa dulo?
O sa tamang salita, ano nga ba ang dulo?

Namulat ako na ang dulo ay kinatatakutan ng karamihan
Pagkat katumbas ng paglusong sa dulong iyon ay kamatayan
Kamatayan na kinatatakutan
Kamatayan na iniiwasan
Kamatayan na kinasusuklaman
Kamatayan na.. iniiyakan

Subalit ano bang nakakatakot sa kamatayan?
Oo. Nauuwaan ko masakit ang mamatay
Ngunit hindi ba masakit rin ang mabuhay?
Mabuhay sa mundong puno ng away
At mga trahedyang kumikitil ng mga walang malay?

Sa tingin ko'y di naman nakakatakot ang mamatay
Nakakatakot lang ang ideyang namatay ka ngunit di mo na gawa ang nais mo
Nakakatakot na sa huli'y di ka man lang nakatulong sa mundo
Nakakatakot na di mo man lang nagawang patunayan ang eksistensiya mo
Nakakatakot na di mo man lang mahalin ng lubos ang mga tao sa paligid mo
Nakakatakot na sa bandang dulo wala ng ikaw, sila at tayo
Nakakatakot na sa mag isa mong lilisanin ang mundo
At sa huli'y malilimutan na lang ng tao.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon