Alam mo, kung nakakasugat siguro ang ating mga winiwika
Kung yung mga sinasalita natin ay tunay ngang nakakahiwa
Napakarami na sigurong nakahandusay sa sahig
Nagilitan na ng mga ugat, mga bangkay na silang malamig.Lahat siguro tayo ay nadakip na rin ngayon
Ikukulong sa malamig na piitan sa napakahaba ngang panahon
Mapagbayaran lang natin ang mga salita nating makasalanan
Mga katagang kutsilyo na sa dibdib ng iba'y ating iniwanan.Kaso hindi naman ganun ang buhay.
Malaya ka pang magsalita
Malaya ka pang ihayag kung ano ang nasa gunita
Malaya ka pang bumulyaw kahit makasakit ka ng damdamin
Malaya ka pang maghayag ng walang kasing bulok mong saloobin.Malaya ka pa.
Malaya ka pang pumatay ng mga pangarap at sumira ng pag-asa
Malaya ka pang iparamdam sa isang tao na, nasa paligid man, wala siya
Malaya ka pang ipadama na kumpara sa lahat, mahusay ka
At yung iba namang natitira, lahat sila, inutil na.Pandudusta, panlalait, mga panghahamak
Mga nasisirang pangako at pakunwari mong pagbabalak
Yung tutulong ka sa una pero may sumbat na lang bigla
Patalim na matalas nga minsan ang binibitawan nating salita.Hindi mo ikaaangat ang pangmamaliit mo sa iba
Hindi mo ikadadakila kung dudurugin mo sila.Matalino ang marunong makinig
Palakasin mo ang loob ng mga gumuho ang daigdig
Mas maganda ang mundo kung pagkakaintindiha'y nanaig
Kaya upurin mo na nga iyang napakatalas mong bibig.Gamitin ang salita upang makahilom ng mga sugat
Upang matuto ang iba, sa pagkabulag ay mamulat
Sa pagtataas sa iyong sarili ay lalo kang bumababa
Mas malaki dapat ang utak mo kaysa sa matabil mo ngang bunganga.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaSpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...