SWP- KAPAG NAKITA MO NA SIYA

293 2 0
                                    

Kapag nakita mo na sya, wag ka magtaka kung di ka kaagad nya makikala
Kung ano ang naramdaman mong kilig, baka iyon naman ang naramdaman n'yang inis
Kung paano mo siya titigan, baka ganun ka lang din nya lagpasan, balewalain at hindi pansinin

Kung gaano kabilis ang tibok ng puso mo nung nakita mo siya, baka ganun din kabilis ang pag-alis niya
At sigurado ako itataboy ka nya palayo
Kapag nangyari 'yun, wag mo sana isipimg wala ng pag-asa
Siguro sanay na lang din talaga syang mag-isa
At sa hinaba-haba ng panahon ng pag-iisa niya, iniisip nya na hindi na nya kelangan ng iba
Ng isang katulad mo na maaring magdala sa kanya sa ibang mundo

Marahil ganyan ang turo sa kanya ng buhay at pag-ibig
Ang damhin ang lahat ng sakit, ang tanggapin ang anumang ibato ng buhay
Ang palayain ang lahat ng emosyon hanggang sa wala na syang muling maramdaman pa
Kaya't kapag nakita mo na siya, hindi na siya naniniwala sa paghiling sa mga bulalakaw
Hindi na siya namamangha sa mahika ng buwan at mga bituin
O sa kung ano mang pwersa ng uniberso na maaring magtulak sa kanya patungo sa 'yo
Hindi na siya naniniwala sa anu mang salita na nilikha ng pag-ibig
Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig
Kapag nakita mo na siya, baka ang tanging papel na lang ng puso nya ay ang panatilihin syang buhay

Baka tumitibok na lamang ito para padaluyin ang dugo sa katawan nya
Dahil kapag nakita mo na sya, hindi na nya alam ang pakiramdam ng magmahal at ng mahalin..ng arugain at yakapin
Ngunit wag kang mag-alala, dahil mukha lang naman ng pag-ibig ang nakalimutan nya
At ipaaalala mo ito sa kanya

Wag kang magsasawang ipaalala sa kanya kung gaano sya kaganda
Wag kang titigil sabihin sa kanyang mahal mo sya kahit na sa bawat pagbanggit mo sa salitang mahal kita ay pait at sakit ang naaalala nya
Wag kang titigil na sabihin ito sa kanya hanggang sa maalala niya na sa likod ng bawat pait ay may tamis

Sa likod ng bawat sakit ay may ligayang dulot ang mga salitang mahal kita
At kung saktan ka man ng mga salita niya, gantihan mo ito ng yakap
Kung magpumiglas siya, hatakin mo siya pabalik at yakapin ulit
Kung paulit-ulit siyang umalis, paulit ulit mo rin syang habulin
Kung paulit-ulit siyang bumitaw, paulit-ulit mo rin syang hawakan

Pakiusap, wag na wag mo siyang bibitawan
Wag na wagmo siyang pakakawalan
Ipaalala mo sa kanya na minsan rin siyang naniwala sa paghiling sa mga bulalakaw
Na minsan na rin syang namangha sa mahika ng buwan at mga bituin
Na minsan din siyang naniwala sa mga salitang nilikha ng pag-ibig
Na minsan din siyang naniwala sa pag-ibig
Ipakita mo sa kanya amg bagong mukha ng pag-ibig
Pakiusap, wag na wag mo siyang susukuan
Hanggang sa maisip niya, na ang pag-iisa ay mayroon ding hangganan  
 

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon