SWP-TANDANG SORA

1K 7 1
                                    


Nawala na ang nakakatraffic-ng-utak na pagtitig mo
Nabarahan na ang estero ng nakakalulang pag-ibig mo
Bumitiw ka na sa mala-aspalto kong mga kamay
At sa poste na hindi marunong magpatahan na lang ako nakakadantay.

Sa paguwi ay hindi ka na sumasandal sa balikat ko
At hindi ko na natititigan ang iyong mukha sa pagtulog mo
Pang-isang tao na lang din ang ibinabayad ko sa jeep
At hindi na rin ako ang bumabyahe sa mataong palengke ng iyong isip.

Totoo pala ang lahat ng iyong pagbusina

Maikli lang pala ang byahe natin sa Tandang Sora

Kay tagal mo na akong sinasagasaan

Pero ngayon lang ako nabangga.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon