Siguro nga tama ka,
Siguro nga tama na.
Nakakapagod na rin ang umasa,
Umasa na babalik ka pa,
Na babalikan mo 'ko,
Na magiging okay pa tayo.Nasan ka na ba?
Ni-hi o hello wala akong natatanggap mula sayo.
Buhay ka pa ba?
O sadyang kinalimutan mo na 'ko,
Ako na pinangakuan mong babalikan mo.May mali ba 'ko, may pagkukulang ba 'ko?
Sabihin mo sakin, bakit ginaganito mo 'ko.Dati malambing ka makisama,
Kahit malayo ka pakiramdam ko nasa tabi lang kita.
Tuwing magkausap tayo, nag-aaway man o nagbibiruan,
Kahit sa chat lang, wala akong ibang naiisip kundi
Ako'y sayo at ika'y akin lamang.Pero bakit ngayon?
Nasaan ka na?
Naaalala mo pa ba 'ko?
Kilala mo pa ba 'ko?
Siguro'y napagdesisyonan mo ng balewalain ako,
Kalimutan ang meron satin.Ngunit hayaan mo 'ko sa huling pagkakataong ito,
Muling sabihin kung gaano ka kahalaga sa akin.
Magbago man ang ikot ng mundo,
Paglayuin man tayo ng lahat ng tao,
Lokohin ko man ang aking isipan,
Alam kong sa puso ko di ka mapapalitan.Ikaw na sa aki'y bumuo,
Ikaw na nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo,
Ikaw na gumising sa natutulog kong puso.Nagsimula tayo sa ikaw at nagkagulo.
Subalit umaasa pa rin ako na ang "ikaw at ako"
Ay masayang magtatapos sa "tayo".---
I WANT TO DEDICATE THIS ONE TO MY EX WHO LEAVE ME WITHOUT SAYING GOODBYE. HEY KEVIN STILL REMEMBER ME JAGI?! I HOPE YES. I MISS YOU HAHAHA. IT'S SUPPOSED TO BE OUR TWO YEARS NOW BUT YOU LEAVE ME. UWUUUU STOP THE DRAMA NA NGA HAHAHA NAIIYAK AKO NG DUGO JUK HAHAHAHHAH HELLO THEREEEEE PIPOLS SALAMAT SA PAGBASA WAHHHHH 12K NA NAGBASAAA!!! *SABOG CONFETTI* WHOOOO THANK YOU THANK YOU TALAGA WAAAHHHHH <3 SANA MAGBASA PA DIN KAYO KAHIT MATAGAL MAG UD!
PS. TINATRY KO DIN ISULAT YUNG STORY NAMIN NI KEVIN DI KO ALAM ANO KALALABASAN INIWAN AKO E ALA HAPPY ENDING SAD NAMAN PRE HAHAHAHA!!! DON'T FORGET TO VOTEEEEE COMMENT MUAAHHHH
--KRYSTALNOOXR15
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...