Nagsimula sa pag kuha ng litrato
Sumunod ang pag usap natin bawat minuto
Na sinundan ng pag bigay motibo
At biglang natapos dahil sa biglang pag bago mo
Tatlong buwan, tatlong buwan din ng tayo'y nag kausap
Na dati, ito ay isa lang saking mga pangarap
Pangarap na ikaw, ikaw na ngayon ay nagbibibigay na sakin ng hirap
At ngayon ay mas mahirap dahil di na tayo nagkakapagusap
Mahirap! Tipong nakakalito kung bakit nangyari
Kung ano ang nangyari
Kung paano nangyari
At bakit ngayon naiwan akong mag isa sa ere
Akala ko ito'y totoo na
Totoo ang iyong mga pinapakita
Ngunit ngayon napag isip isip ko na mali pala ako
Sana di nalang ako naging marupok sayo
Dating ikaw ang dahilan ng ngiti ko
Ngayon ikaw na ang dahilan kung bakit nakakunot na aking noo
At sa bawat oras at araw na ikaw ay nakikita
Ang dati'y masarap sa mata ngayon ay sobrang sakit na
Ngayon, ay napuno na naman ng bakit
Ang isip ko at puso kong nararamdaman ay sakit
Sakit na dulot ng iyong pagbabago
Pagbabago na biglang nakagulo sa isip ko
Araw araw ay nagtataka
Kung bakit bigla ka nalang nawala
Kaya ngayon napuno ng bakit
Mga bakit na dati'y naranasan na at ngayon naulit ulit
Sana sinabi mo kung ano ang dahilan
Dahilan ng iyong biglaang pag lisan
Pag lisan na hanggang ngayon mahirap paniwalaan
Dahil wala ka manlang binigay na dahilan
Ngayon, hirap ako
Hirap at nasasaktan ang nararamdaman ko
Nasasaktan dahil bigla kang nagbago
At nahihirapan dahil naiwan ako sa ere ng tulad mo
Binigyang pansin ang puso kong may pagtingin
At atensyon ang iyong binigay sakin
Pinasaya at binuo mo ulit
Ang puso ko na dati'y puno ng pait
Salamat sa tatlong buwan
Tatlong buwan na puyatan
Tatlong buwan na may paki alam
Tatlong buwan na saya na binigay mo ng panandalian.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...