SWP-ISA HANGGANG SAMPU

295 2 0
                                    

Sabi nga sa isang kataga
Kapag may nais kang sabihin magbilang ka
Simulan mo sa isa hanggang sampu
Kaya' t sige ilalathala ko lahat ng nais kong sabihin sayo

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu
Sampung buwan makalipas ang araw na ito nagkakilala tayo
At nabihag mo ang puso ko kaya' t kinuha ko ang numero mo
Laking tuwa ko't binigay mo ito ngunit sampu lang ang binigay mo

Siyam, siyam na beses akong tumawag nababakasaling iyon ang numero mo
Iniisa-isa ang bawat numero at sa wakas nahulaan ko ang dulo nito
Walo, tuwing ika-walo ng umaga mensahe mo agad aking nakikita ko
At ika-pito ito ang oras ng paguwi mo, magpapasundo dahil makitid ang dinadaanan mo

Anim, anim na tambay ang laging nakatingin sayo at lagi kang takot dahil sa mga ito
Kaya't lima, limang beses ko silang tinitigan ng masama para sindakin sila
Ngunit apat, apat na kanto makalayo sa inyo tinambangan ako nila
Tinamo ko ang sugat na makauwi ka ng ligtas sa bahay mo

Tatlo, tatlong taon na tayong paganto-ganto hindi alam ang lebel sa buhay mo
Kaya' t dalawa, pumili ka na sa dalawang ibibigay ko sayo
Una' y ako' y mahalin mo' t pangawala palayain mo na ako.
Isa, isa lang ang pipiliin mo kaya' t mahal piliin mong maging tayo

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon