Kaming mga single
Mga walang kasintahan
Hindi naman kami mga panget
Mabubuti rin naman ang kalooban
Nakikipaglaro pa lang kasi sa aming mga eksatong katapat
Tagu-taguan – medyo magaling lang talaga magtago ang lahatKami yung mga mag-isang nanonood ng sine
Habang kumakain ng popcorn at kinakausap ang sarili
Mag-isang naglalakad
Mag-isang umuuwi
Mag-isang nangangarap
Mag-isa ring humihikbiKami yung mga 3rd, 5th, 7th wheel
Na naiinggit sa inyo pero hindi niyo ramdam
Kayo kasi yung mga sobrang tamis
Pero kami yung kinakagat ng libu-libong mga langgamMay iba't-ibang klase ng single
May single since birth
May kaka-single lang
Yung nagmahal nang sobra-sobra
Sa bandang huli – iniwan langMeron din namang taken
Pero mag-isa ang pakiramdam
Yung minamahal daw sila
Pero hindi naman pinararamdamMeron namang single
Na may umiibig na nang lubos
Pero hindi niya mahanap-hanap sa sarili niya
Na umibig pabalik sa taong iyon nang taosMay piniling makipaghiwalay
Gawa ng mga pasa sa kaniyang braso
Hinimok ng di mabilang na mga galos
At mga pangaapak sa kaniyang pagkataoPero kung may mga pinakawalang-awa na tao sa mundo
Yun ay ang mga kung mamuhay ay single pero may kasintahan
Yung mga walang pakialam kung makakasakit na siya ng damdamin
Basta masunod lang ang bulok na puso niyang walang kasiyahanMapapa-'hayst' ka na lang talaga...
Hayst.
Pero hindi lahat ng single ay biktima, ok?
Yung iba sa amin single kasi maitim talaga ang budhi
Yung masarap ipabugbog sa galit na taumbayan
Tapos pagulungan ng tatlong dump truck yung bintiPasensya na kayong mga may kasintahan
Minsan kasi nalalait namin na 'panget' yung mga kapareha niyo
At kapag medyo masama pa ang gising namin
May sumpa pang, 'Maghihiwalay din kayo'Pero dala lang siguro iyon ng kaunting inggit
Naiinggit kami kasi tapos na ang inyong paghahanap
Natagpuan niyo na ang inyong kakampi
Kakampi sa ano man ang inyong makaharapPero ayos lang din naman
Kahit papaano, mayroon din naman kaming maipagmamalaki
Napaglaanan kasi talaga namin ng oras
Na makita ang halaga ng aming mga sariliMas nakikita rin namin ngayon
Ang sa ami'y mga tunay na nagmamahal
Kayong mga kaibigan, mga kaanak
Pag-ibig niyo ang tunay na nagtatagalAt sa mga itinadhana para sa aming mga single
Sa inyong aming mga eksaktong katapat
Pagkatapos ng mahaba nating tagu-taguan
Ibibigay namin sa inyo ang lahat-lahat.
Lab u.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaSpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...