SWP - AKALA

186 1 0
                                    

Hindi kita inaalis sa puso ko kasi umaasa ako sa pagbabalik mo,
Alam ko sa sarili ko na ikaw pa rin ang tinitibok nito,
Laman ka pa rin ng puso ko kahit ako ay durog at nagdudugo,
Ako ay umaasa pa rin na iyong dinggin ang aking mga pagsamo.

Akala ko nagbibiro ka lamang sa paglisan mo,
Di ko alam na ito pala ay tototohanin mo, Akala ko isa lang to sa mga pakulo na inihanda mo,
Pero ako pala ang di nakapaghanda sa pagbitaw mo sa kapit ko.

Baka, baka sakaling mahal mo rin ako, Baka planado lamang ang lahat ng ito, Pero nadiskubre kong nasanay lamang pala ako,
Di dapat ako nabulag sa panandaliang presensyang dulot mo.

Di ko namalayang nahulog na ko sayo,
Di ko pala napigilan ang damdamin kong ito,
Akala ko mananatili ka sa piling ko,
Ngunit di ko inaasahan na lilisanin mo rin ang aking mundo.

Nanatili ka sa puso ko hanggang sa madurog ito,
Akala ko ikaw na ngunit bigla kang nagbago,
Ang mga mabubulaklak mong salita ay biglang naglaho,
Sa iba mo na pala sinasambit at isinasapuso.

Sa bandang huli mapapagod din ako, Maiisip kong pinagtagpo lamang tayo,
Di tayo ang itinadhana ng mundo,
Akala ko lang pala na pedeng maging tayo.

Sana kaya kong ibalik ang dati,
Baka sakaling ayos pa tayong nakakangiti,
Di tulad ngayon na halos di na magkatinginan,
Samahan natin ay tila winakasan.

Akala ko ikaw na,
Akala ko tayo na,
Akala lang pala ang lahat ng meron tayo, Sapagkat simula palang ay di pala talaga ako ang iyong gusto.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon