'Yong tipong dating tayo,
biglang maglaho
'Yong Ikaw at Ako magkalayo
Ilang araw na, naalala mo pa kaya ako?
Sigurado, dahil mukhang araw-araw naman tayong nagkakatagpo.
'Yun nga lang, walang pansinan.
Walang ngitian, wala ng kamustahan.
Alam mo? Hindi ako sanay.
'Yong ganto.
Saradong pinto,
Walang kibo, biglang napapahinto, pareho namang talo.
Pero kaibigan,
Pasensya ka na.
Kung papatulugin ko muna
Itong puso kong kailangan ng lunas.
Kase sinaktan mo! Pinabayaan mo at 'yan ang totoo.
Ngayon sabihin mo,
Huli na ba 'to?
Andami ng gabing lumipas,
Nais kitang makausap at pagbagaing muli ang ating lingas.
Isa na naman ba 'tong pangakong mapapako?
Walang iwanan pero ano 'to?
Matapos ang mga araw bigla na lang samaha'y maglalaho?
Pero kung 'yan ang gusto mo,
Ano bang magagawa ko?
Habulin ka? Teka hindi ako aso.
Nga pala, huwag mo kong sisihin,
Mahirap lumaban ng nag-iisa, hindi ba?
Kaya paumanhin, ako na'y uurong, hindi ko na kase kayang lumusong.
Ngunit Kaibigan, bago matapos ang lahat,
Salamat sa pagbubuhat.
Sanay na po ako.
Sanay na kong wala ka!
Kahit ikaw 'yung Araw, ako 'yung Buwan, Ikaw, Ikaw 'yung pinagkukuhanan ko ng liwanag dito sa mga gabi kong walang mapanglaw.
Dito sa mga gabi kong. . .
Walang ng Araw, wala ng Ikaw.
-
Malaya ka na,
Kaibigan kong wala na.
---
hi @LorraineCruz6 para sayo to huhuhuhuh sorry natagalan :< hope you like it po :>
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...