Saludo ako sa mga taong kahit minsan nang nasaktan,
Hindi pa rin sumusuko sa laban,
Sa laban na walang katapusan,
Sa laban na kailangan mong maging matapang at matatag para Hindi na muling madapa at mapagsamantalahan..Saludo ako sa mga taong kahit nasaktan na nagagawa pa ring ngumiti, Ngumiti na tila ba Hindi ramdam ang hapdi,
Hapdi sa puso na dulot ng pagkabigo,
Pagkabigo dahil sa pag-iwan sa kanila ng taong kanilang minahal ng buong puso,Saludo ako sa mga taong kahit minsan nang nabigo,
Hindi pa rin sumusuko,
At bagkus lahat ng sakit na nakamtan,
Ay ginawang leksiyon sa buhay upang Hindi na muling masaktan..Ikaw , oo ikaw.
Ikaw na paulit-ulit na nasaktan,
Ikaw na puro hinanakit lang ang naramdaman,
Ikaw na sa ere ay iniwan,
At ikaw na Hindi na muli pang binalikan.
Saludo ako.
Saludo ako sayo,Tandaan mo,
Hindi man ngayon,
Pero sa tamang panahon.
Mahahanap mo rin ang tamang tao,
Tamang tao na tiyak nakatadhana para sayo,
Tamang tao na kailanman ang paiyakin ka'y Hindi magagawa,
Tamang tao na walang ibang hangarin kundi ang mapasaya ka,
Tamang tao na gagawin ang lahat para lang sa taong mahal nya,
At tamang tao na handang mahalin ka..Kaya sige na, ngumiti ka na,
Buksan na ang bagong pahina,
Pahina ng kwento ng iyong buhay na kung saan bubuo ka nang bagong Simula , Bagong Simula na magpapatibay sa kung sino ka .Kaya sige lang ang laban.
Wag matakot masaktan.
Wag mo siyang iyakan.
Tandaan mo HINDI SIYA KAWALAN.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...