Nang nagising ako, biglang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata,
Noong maalala ko, na ang "TAYO'y" tapos na.Nagising ako na magkasama tayong dalawa.
Hawak mo ang kamay ko habang nasa tabi kita.
Ang saya natin, sobrang saya.
Nagkukulitan, nagtatawanan, nag-aasaran,
At kung minsa'y nagkakapikunan pa.
Basta, ang saya nating dalawa.Pinapasok mo ako sa buhay mo.
Dinala sa mala-paraiso mong mundo.
Itinuring na reyna ng iyong palasyo.
Naging inspirasyon sa bawat paglalakbay mo.
Ginawa mo akong mundo,
Ginawa mong mundo sa buhay mo.Naglakbay tayo, mula Pilipinas hanggang sa dulo ng mundo,
Naglakbay hanggang sa puso mo, hanggang diyan sa buhay mo.
Kumuha ka pa nga ng mga litrato,
Sabi mo, ito ang magsisilbing alaala na masaya tayo.
Ang saya-saya di ba?Pero nang nagising ako, biglang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata,
Noong maalala ko, na ang "TAYO'y" tapos na.Nagising ako, magkasama tayong dalawa,
Panaginip lang pala.
Hawak mo ang kamay ko habang nasa tabi kita.
Panaginip lang pala.
Nagkukulitan, nagtatawanan, nag-aasaran,
At kung minsa'y nagkakapikunan pa.
Panaginip lang pala.
Pinapasok mo ako sa buhay mo.
Dinala sa mala-paraiso mong mundo.
Itinuring na reyna ng iyong palasyo.
Naging inspirasyon sa bawat paglalakbay mo.
Panaginip lang pala.Naglakbay tayo, mula Pilipinas hanggang sa dulo ng mundo,
Naglakbay hanggang sa puso mo, hanggang diyan sa buhay mo.
Panaginip lang pala.
Kumuha ka pa nga ng mga litrato,
Sabi mo, ito ang magsisilbing alaala na masaya tayo.
Ang saya-saya di ba?
Kasi ang lahat ng ito'y PANAGINIP lang pala.
Panaginip lang, panaginip lang.
PANAGINIP LANG ...
Walang katotohanan, pawang panaginip lamang.Kalokohan, umasa pa ako.
Panaginip nga lang pala ito.
Ano pa ang laban ko?
Ano pa ang ipaglalaban ko?
Ano pa ang ilalaban ko?
Bakit pa ako lalaban para sa'yo?
Wala nga palang "TAYO". Wala.Pero ginawa mo akong mundo.
Ginawa mong mundo sa buhay mo.Ngunit nang nagising ako, biglang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata,
Noong maalala ko, na ang "TAYO" ay tapos na.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...